Pamahiin Hagdan: Oro, Plata, Mata

6
12371

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Tunghayan ninyo ang Pamahiin Hagdan.

Kapag my second floor ang isang tahanan, ang agad na pumapasok sa ating isipan ay mayroon siyang malaking bahay. Kaya naman siguradong napapangiti ka kapag nalaman mong ang tinitirhan ng kakilala mo ay may hagdan.

Kung ako ang tatanungin mo, kahit nakakapagod ang umakyat ng hagdanan, gusto ko pa ring tumira sa tahanang may hagdan. Feeling ko kasi, higit akong mataas kaysa sa iba kong kakilala na ang bahay ay bungalow type lang. Pero, ilan ba ang baitang ng bahay mo? Kailangan mo ‘yang bilangin para alam kung ano bang buhay mayroon o magkakaroon ka, marangya, ordinaryo o miserable?

Bawat baitang kasi ay mayroong ibig sabihin kaya naman habang umakyat ka kailangan mong bigkasin ang mga katagang Oro, Plata, Mata. Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga ito? Ito ang tatalakayin  ko sa artikulo natin ngayon na pinamagatang Pamahiin Hagdan.

ORO. Ang kahulugan nito ay ginto kaya kapag huminto sa oro ang iyong pagbilang, sure na may maganda kang buhay.Ako ang makapagpapatotoo na talaga ngang may katotohanan nga ito. Kahit naman kasi biglaan ang pag-alis ko nu’n sa trabaho. Hindi  pa rin ako nakaramdam ng paghihirap. Laging may kamay na handang tumulong sa aming mag-ina pagkatapos pagkalipas ng ilang linggo ay nakatagpo ako ng mabait na boss na nagbigay ng oportunidad para mas mahasa ako sa pagsusulat.

PLATA. Hindi man marangya ang buhay ng mga may hagdan na natatapos sa plata, hindi naman sila makakaranas ng tag-gutom dahil okay din naman ang kanilang pamumuhay. Simple man ay may kakayahang umangat. Maaari kasi siyang magtagumpay sa pagnenegosyo.

MATA. Kung ang pagbilang mo sa hagdan ay mata, mangingilabot ka. Kahit kasi wala kang kasama, siguradong hindi ka nag-isa. Kalimitan kasing may kasama kang kakaibang nilalang. Hindi mo man sila nakikita, nararamdaman mo naman sila. Ang masakit, maaari kang makaranas ng matinding kamalasan. ‘Yun kasi ang ibig sabihin ng katagang ito. Kaya kung alam mo ng nagkakamalas malas ka na, maigi pang lumipat ka na lang ng bahay. O kung hindi man, solusyunan mo ang bilang ng iyong hagdan.

O, huwag mong iisnabin ang Pamahiin Hagdan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

6 COMMENTS

  1. Kung ang hagdan po ng isang bahay ay my landing sa bandang gitna bago makaakyat ng second floor, paano po ang bilang ng ganon? Halimbawa po, sa unang landing until makarating sa pangalawang landing ay 9 steps which is mata sya, after po non sa second landin panibago count oo ba ulit un until mkarating sa itaas or simula sa baba until sa second floor po ba ang bilang ng hagdan?

  2. lumipat po kami sa isang apartment meron underground na kwarto o sa ilalim ang kwarto. malas po kaya ito o hndi? sabi po mabigat daw sa buhay totoo po kaya yun?

  3. Hi po,pwede po ba akong magpahula sa inyo kung ano po ang mgiging kinabukasan ko at mgiging buhay ko sa darating n panohon at pati na rin po love life ko.ako po pla si marjolet tumanguil,pinanganak noong may 23,1991.maraming slamat po at Godbless

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here