Pamahiin Gunting: Paraan para mabuking na Pinagtataksilan

Hindi naman natin laging kasama si Labs  kaya hindi tayo nakakasigurado kung totoo nga ba siya sa atin. Well, kung pinagkakatiwalaan natin ang ating mahal, hinding-hindi natin maiisip na may ginagawa siyang kalokohan sa ating likuran. Gayunman, hindi ka naman siguro manhid hindi mo maramdaman na may kakaiba sa ikinikilos ng  iyong asawa.

Biro mo kahit na ikaw ang kanyang kasama ay parang mas gusto pa niyang nakatutok sa screen ng kanyang Cellphone kaysa lambingin ka. Kapag may libre siyang oras ay hindi niya sa’yo ginugugol. Mas gusto niyang umalis na lang palagi. Kapag ganoon na ang kanyang aksyon ay may nararamdaman ka ng pagdududa sa kanya kasi hindi mo siya magawang kumprontahin.

Alam mo kung bakit? Dahil natatakot ka sa maaari niyang isagot sa’yo. Alam kong nararamdaman mo na hindi mo iyon magugustuhan kaya minamabuti mo na lang manahimik. Iyon nga lang, naghahanap ka pa rin ng kumpirmasyon kung ikaw nga ay pinagtataksilan niya. Kung minsan talaga ay nagiging masokista tayo.

Ayon sa pamahiin, kapag ang hawak mong gunting ay nahulog na para bang may kung ano o sinong tumabig doon ay pinagtataksilan ka ng iyong partner. Ang gunting kasi ay sumisimbulo sa mahalagang tao sa’yong buhay na maaaring manakit sa’yo ng todo-todo at ang makakagawa noon ay ang minamahal mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here