PAMAHIIN: Espiritu ng mga Buhay

0
170

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Marami na sa atin ang nakaranas na makakita ng ghost. O yung mga multo ng mismong mahal natin na sumakabilang buhay na. Karaniwan ito ay nakikita natin ilang araw matapos na sila ay pumanaw o di kaya naman sa tuwing may nalalapit na okasyon para sa kanila tulad ng kanilang kaarawan o araw ng kamatayan. Pero yung ghost ng buhay nakakita ka na ba?

Ang tinutukoy ko ay ang espiritu ng buhay na kung minsan ay ipinagkakamali din natin na isang doppel ganger. Ang doppel ganger kasi ay iniuugnay sa evil. Once na makakita ka ng doppleganger ng iba o ng mismong sarili mo, iisa lang ang ibig sabihin nito, bad luck o kamatayan. Ano naman ang tinatawag na spirit of the living? Ito ay ang espiritu ng isang tao na maaaring makita na may mukha o walang mukha at ang pagpapakita nito sa isang tao ay may iba’t-ibang ibig ipakahulugan.

Sa Europa, pinaniniwalaan na kapag nakakita ka ng spirit of a still-living person, ito ay nangangahulugan na nalalapit na ang kamatayan ng taong ‘yon, subalit ito ay kung makikita mo siya na walang mukha.

Kung nasa isang lugar ka naman at nakita mo ang iyong kaibigan na hindi naman dapat nandoon o hindi mo inaaasahang nandoon, at malinaw mong nakita ang kanyang mukha, ang ibig sabihin nito ay namatay na siya at dumaan lang sa’yo bilang pagpapaalam.

Kapag naman nakita mo ang kakilala mo o kamag-anak na buhay pa tapos lumalakad nang papalapit sa’yo at sa isang iglap ay biglang naglaho sa paningin mo, ito ay ang kanyang espiritu at isa itong magandang senyales para sa’yo. Kung nakita mo naman siya na papalayo sa’yo at parang bula rin na naglaho sa paningin mo, ito ay nangangahulugan ng kanyang kamatayan.

May paniniwala rin na kung makikita mo ang spirit of a still-living person sa umaga, ang taong ito ay magkakaroon pa ng mahabang buhay. Subalit kung ito ay makikita mo naman sa gabi, ibig sabihin ay nalalapit na ang araw ng kanyang kamatayan.

Nakakatakot makakita ng espiritu ng taong buhay pa kung alam mo na ang ibig ipahiwatig nito ay hindi maganda. Kaya naman kung atin itong mararanasan, mas mabuti kung agad natin silang ipagdarasal may katotohanan man o wala ang ating pinaniniwalaan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here