Pamahiin, Dapat Ka Nga Bang Paniwalaan

Kung hindi ganito ang mangyayari, ganoon ang mangyayari. At talaga namang nakakakilabot kung sa dulo ay sasabihing kamatayan ang kahahantungan ng mo. Kaya, may pagkakataon talaga na hindi tayo makaagdesisyon kung ang Pamahiin, Dapat Ka Nga Bang Paniwalaan

May sampung katao akong tinanong kung  sila ba ay naniniwala sa pamahiin o hindi at ito ang kanilang mga kasagutan.

“Nasa 2020 na tayo ngayon kaya naman ang tungkol sa pamahiin ay hindi na dapat nag-e-exist. Kalokohan lang naman kasi ‘yan. Walang katotohanan. Kaya, huwag matakot. Gawin mo ang gusto mo Huwag mo hayaang mabuhay ka sa takot dahil lang sa mga pamahiin na ‘yan.” Alice

“Wala namang masama kung maniniwala tayo sa pamahiin. Mas maganda nga iyon dahil nagkakaroon tayo ng gabay kung ano ba ang mangyayari.” Flaviano

“Kung talagang nais mong makasiguro na walang masamang mangyayari sa’yo o kaya ay ayaw mo talagang malasin sa buhay, huwag kang susuway sa pamahiin. Hindi dahil sa natatakot ka kundi nais mo lang makapagsiguro. Saka, mas maigi na kung ang gagawin mo ay igalang ang makalumang paniniwala.”Estella

Magdasal ka at hindi mangyayari ang sinasabi ng mga pamahiin. Dahil madalas, nagkakataon lang ‘yan. — Manuel

Ay naku, naniniwala ako sa pamahiin. Ang pinsan ko nga ay pinagtawanan ang pamahiin, nagsukat ng kanyang wedding gown. Ayun, di natuloy ang kanyang kasal. Naaksidente at namatay ang lalaki sa mismong araw ng kanyang kasal.” — Shiela

Sabi sa pamahiin kapag daw nasa gitna ka ng dalawang tao tapos nagpa-picture kayo, ‘yung nasa gitna ang mamamatay. Eh, ba’t buhay ako? Kaya nga lang ‘yung mga kasama ko sa picture ang nategi.” — Donna

Sa mundong ito, talagang maraming kababalaghan ang nangyayari at ang pamahiin ay masasabi kong hindi na dapat ipagwalambahala. Dahil kapag ipinagwalambahala mo, ikaw din ang magiging kawawa. Huwag mo naman hayaang mangyari iyon. Sundin mo ang sinasabi ng pamahiin.”. — Chelsea

Ayaw kong maniwala sa pamahiin pero ayoko namang hamunin ang kapalaran ko kapag sumuway ako sa pamahiin. Gusto kong magkaroon ng magandang buhay kaya hindi ko gustong magkamalas-malas dahil sa katigasan ng ulo.” — Jane

“Ayokong maniwala sa pamahiin. Ayoko rin namang malasin. No choice na lang ako kundi ang sumunod. Nakita ko kasi kung panong minalas ang pamilya ng pinsan ko mula ng tumira sila sa bahay na magkakatapat ang kuwarto. Sabi kasi, lagusan daw iyon ng mga kaluluwa kaya nagkakamalas-malas ang kanilang buhay. Tapos ang dami pa nilang nairinig na kung anu-anong tunog.” Fe

“Epektibo kaya ang pamahiin kaya talagang naniniwala ako ito. Na-try ko na ring maglagay ng asin sa isang clear na lalagyan at nawala ang kamalasan ko sa buhay. Katunayan ay naging maganda ang buhay ko simula noon Kung hindi ka kumbinsido na mangyayari ang nangyaro sa akin, bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala sa’yo. ”Jim

Maaari ngang sa iba ay isang kalokohan lang ang mga naniniwala sa pamahiin kaya lang hindi naman natin maipagkakaila na may mga pagkakataon na kapag hindi natin sinunod ang sinasabi ng pamahiin ay nasisira lang ang ating buhay. Naroroong minamalas tayo, may pagkakataon din naman na nagkakaroon tayo ng trahedya. Gugustuhin mo bang malasin? Tiyak na hindi mo naman gugustuhing mangyari ito, kaya, bakit magiging matigas ang iyong ulo na sumuway?

Ang pagsunod sa pamahiin ay walang pagkakaiba sa pagbibigay respeto sa paniniwala ng iba. Kaya, bakit hindi na lang ganoon ang gawin mo? Hindi mo ba kayang maging mabait? Wala namang mawawala kung susunod ka. Mas magiging pabor nga iyon sa’yo dahil kapag naging mabuti ka ay maraming suwerteng darating sa’yo.

Marahil kaya ka  natatakot na malasin ay dahil sa alam mo ang kamaliang iyong ginawa. Naging suwail ka kaya gustuhin mo mang itanggi na may masamang may masamang mangyayari kung magiging matigas ang iyong ulo. Kaya, tanungin mo rin ang iyong sarili, nanaisin mo bang magkamalas-malas? Kung hindi mo gugustuhin na magkaroon ka ng misableng buhay, huwag mong hamunin ang mga pamahiin.

Sa mundong ito ay maraming kababalaghan na nangyayari. Isa na roon ang mga kamalasang nangyayari kapag may sumusuway sa pamahiin Ibig kong magkaroon ng magandang buhay. Nais kong makatagpo ng pag-ibig na wagas at magkaroon ng limpak-limpak na salapi kaya natural lamang na gugustuhin kong hindi magkaroon ng miserableng buhay at marami ang nagsasabi na mangyayari iyon kapag sumuway ka sa pamahiin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here