Pamahiin Daga: Ingat, dinig niya kayo

Shhh…watch your language. Huwag na huwag kang magsasabi sa kanya ng masasamang salita tulad ng buwisit o malas kung ayaw mong gantihan ka ni ‘mickey’. Ito ang the best na pangalan sa dagang pagala-gala sa ating tahanan tutal sikat na sikat naman ang karakter ni Mickey Mouse.

Kahit kasi maliit na nilalang lang siya ay marunong siyang umintindi. Alam niya kung ang isang tao ay may layunin na patayin siya kaya ang gagawin niya, bubuiwisitin ka rin niya. Ipakita rin niya sa’yo na handa ka niyang labanan. Iyon nga lang, ang pagganting gagawin niya ay sisirain niya ang gamit mo. At hindi basta-bastang gamit, pipiliin pa niya talaga iyong mga bagay na importante sa’yo.

Kung mahalaga sa’yo ang iyong mga papeles at pera, huwag na huwag mo ‘yang ikakalat tapos magsasabi ka pa ng  masasamang salita sa daga na nasa iyong tahanan, dahil tiyak na sisirain niya iyan. Ipaparamdam niya sa’yo na kayang-kaya niyang kunin sa’yo ang mga bagay na importante sa’yo. Kahit pa ang iyong buhay. Sa pamamagitan nga ng kanyang ihi, ay maaari ka niyang bigyan ng sakit na leptospirosis at kung maihalo ‘yan sa sugat mo, may tendensiya na mamatay ka.

Kaya, huwag na huwag mong ia-understimate ang nilalang nito dahil kayang-kaya niyang kontrolin ang iyong buhay. O, hindi nga ba, may taon din ang ang mga daga at tayong mga tao ay nakapaloob sa kapalaran na iyon? Ang masama nga lang, sa pagpasok nila sa ating buhay ay maraming kamalasan ang nangyayari, tulad ngayong taon na ito. Ang mga daga kasi ay kalabang mortal ng mga tao kaya imposibleng sa taon nila ay nagkakaroon tayo ng magandang kapalaran gayunman, walang dahilan para tayo ay sumuko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here