Pamahiin Buwan: Mga ibig sabihin

Iba iba man ang hugis ng buwan, di natin ito inaalintana. Maaaring dahil sa pakiramdam natin ay di na natin gaano kailangan ang liwanag mula sa buwan. May kuryente na naman kasi tayo. Kahit pa nasa labas na tayo ng bahay, mayroon din naman poste na nagbibigay ng ilaw. Iyon nga lang kapag nag brownout, talagang wala kang liwanag na makukuha, maliban na lang kung titingala ka sa langit at makikita mong mayroong buwan doon.

Iyon nga lang, di palaging bilog na bilog ang buwan. Kahit na ganu’n mayroon naman ‘yang iba’t ibang dahilan at tiyak kong gugustuhin mo ring malaman dahil maaaring maging dahilan para mabago ang iyong buhay. Kaya, basahin mo na itong Pamahiin Buwan; Mga ibig sabihin

Full Moon. Ang hugis nito ay bilog na bilog. Maliwanag na maliwanag ang buwan kaya dapat ay makakaramdam ka ng kasiyahan. Kaya lang marami ang naninindig ang balahibo kapag nakikita nilang maliwanag na maliwanag ang buwan. Ang dahilan, marami raw malignong naglipana.

Quarterly moon. Hugis Suklay ito. Para sa mga mangingisda, masuwerte ito dahil siguradong marami silang isdang mahuhuli sa kanilang pangingisda.

Half Moon. Kung inaakala mo na di ka dapat makaramdam ng takot kapag nakita mong pantay lang ang pagkakahati ng buwan, nagkakamali ka. Ibig kasing sabihin niyan ay maraming tao ang mamamatay.

O, anong nararamdaman mo kapag tumitingin ka sa buwan?

SHARE
Previous articleBakit may pumapatay sa barya?
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 13, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here