Pamahiin Buhok: Mga Dapat Tandaan para di malasin

260

Mapababae man o mapalalaki, mahal na mahal natin ang ating buhok. Naniniwala kasi tayo na lumalakas ang ating sex appeal dahil sa ating buhok kaya naman kung minsan ay hindi tayo mapakali hanggang sa hindi natin nakikitang ayos na ayos ang ating buhok.

Ikaw, gaano mo kamahal ang iyong buhok?

Hindi na ako magtataka kung sasabihin mong sobra mong minamahal ang iyong buhok kaya nga sobra-sobra ang ginagawa mong pag-aalaga sa’yong buhok. Kaya nga lang, kailangan mong tandaan na may mga pamahiin tungkol sa buhok na kailangan mong sundin para ikaw ay hindi malasin.

Una, huwag kang magsusuklay sa gabi. Bukod sa makakalbo ka, maaari ka pang mamatayan. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing maulila, mabalo o mamatayan ng anak. Kung talagang kailangan mong magsuklay sa gabi, kailangan mong kagatin ang dulo ng suklay para akontra ang kamalasan na maaaring mangyari.

Pangalawa, huwag matutulog ng basa ang buhok. Malaki raw kasi ang posibilidad na ikaw ay mabulag. Siguro naman ay hindi mo gugustuhin na mangyari iyon, di ba?

Pangatlo, huwag magbubunot ng puting buhok. Darami lang kasi ang puting buhok mo kapag ito ay iyong binunot.

Pang-apat, huwag magsusugal kung bagong gupit. Tiyak kasing matatalo ka lang kaya huwag mo na subukan pang magsugal. Masasayang lang ang pera mo.

Panlima, huwag gugupitin ang buhok kung wala pang isang taon ang bata. Magiging masasakitin daw kasi ang bata. Kalimitan kasi, ang buhok ay itinuturing na kalakasan ng isang tao kaya kung gugupitan mo ang iyong anak gayung wala pa siyang isang taon, pirming hihina ang kanyang katawan.

O, iilan lang ito kaya sana ay pakatandaan mo para ikaw ay hindi malasin.

MAG

SHARE
Previous articleKailan magiging happy ang isang tao?
Next articleMga Dapat At Di Dapat Gawin Tuwing Kabilugan Ng Buwan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here