Pamahiin Biyernes A-trese: Puno nga ba ng Kamalasan?

Kailangan mong mag-ingat kung mahal mo ang iyong buhay dahil iisa lang ‘yan. Kapag napahamak ka, ospital o sementeryo lang ang maaari mong kahantungan. Kaya lang, may pagkakataon na kahit sobra-sobra ang pag-iingat na iyong gnagawa, kapag nakatakda kang maaksidente dahil sa kapabayaan ng ibang tao, di ka na rin makakaiwas. Kaya talagang dapat ay doble-doble ang pag-iingat mo lalo na kung sumapit ang Biyernes a-trese.

Noong bata ako, akala ko ay isang titulo lang ang Friday the 13th ngunit sa aking pagtanda ay nalaman ko na dapat nga talagang katakutan kapag nagsama ang petsa at araw na iyon. Malaki kasi ang posibilidad na ikaw ay malasin dahil sa pinagsama ang araw na kinatatakutan ng marami at ang malas na numero.

Ang sabi kasi, kapag daw araw ng Biyernes ay malalakas ang kapangyarihan ng mga may kakayahang gumami ng salamangkang itim at ang numeong trese ay itinuturing na malas dahil puro kapahamakan ang maaaring mangyari sa’yo. Kaya, kapag biyernes a-trese na, huwag kang lalabas ng bahay ninyo, kung naramdaman mo na lamang na kumabog ng husto ang iyong dibdib. May tendensiya kasi na may ipinapadala ang langit na babala sa’yo na sa paglabas mo sa inyong tahanan ay may kapahamakan na mangyayari.

Peo, may pagkakataon naman na di umeepekto ang kamalasang ibinibigay ng Biyernes A-trese, katunayan nga ay sinusuwerte pa sila sa araw na iyon. Pero, kalimitan,  ang mga taong sinusuwerte lang sa araw na ito ay iyong mayroong nalalaman sa kapangyarihang itim dahil nga nahihigop nila ang suwerteng dapat ay mapunta sa ibang tao, samantalang ang kamalasan naman na nasa kanila ay naibubuga nila kaya ang mga ordinaryong tao ay minamalas.

Oh, minamalas o sinusuwerte ka?

SHARE
Previous articleSikreto Ng Magaganda
Next articleAng Paghihirap ni Utol sa Afghanistan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here