PAMAHIIN; Bigas

2001

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Sa ating mga Pilipino, ang bigas ay ginto. Ganoon ito kahalaga sa ating bansa. Kapag hindi tayo nakakakain ng bigas ay parang hindi kumpleto ang araw natin. Parang may sustansyang kulang sa ating kalusugan. Ang mga umiiwas lang sa bigas o kanin ay yung mga on diet. Pero tulad ng ibang pagkain, ang bigas ay hindi rin nakaligtas sa mga pamahiing pinaniniwalaan nating mga Pilipino at maging ng ibang bansa. Narito ang ilan sa mga paniniwala dito.

1.Kapag kumakain ka raw ng kanin, hindi ka dapat magtira ng butil sa iyong pinggan dahil ang bawat butil nito ay magiging katumbas ng pimples na tutubo sa mukha ng iyong future wife o husband. May paniniwala rin na kapag ikaw ay nagtira ng mga butil sa iyong kinainan ay sisimutin ito ng mga ligaw na espiritung laging nakaabang.

2.Kung ikaw naman ay makalat kumain at ang mga butil ng kanin ay nagtapon tapon na sa mesa o sahig, isa itong masamang babala. Ikaw ay pagtatampuhan ng kanin at mahihirapan na muling makabili ng bigas.

3.Suwerte ang hatid sa bagong kasal kung ito ay isasaboy habang sila ay lumalabas ng simbahan. Suwerte din kung sa bahay nila ito isasaboy bago sila pumasok  dito.

4.Kung ikaw naman ay maglilipat ng bahay, dapat na unahin mong ipasok ang bigas. Kapag nagawa mo ito, ang magiging buhay nyo sa bago ninyong bahay ay magiging maalwan at magaan ang pasok ng suwerte.

5.Tuwing bagong taon, kailangan mong punuin ng bigas ang iyong lalagyanan nang sa ganon ang buong taon nyo ay maging sagana.

  1. Pinaniniwalaan din na kapag ang isang tao ay namatanda, dapat mag-alay ng nilutong bigas o kung tawagin ay kanin. Ito ay sasabawan ng tubig. Ganito rin ang alay kapag may maligno o kaluluwang ayaw magpatahimik sa inyo. Ilalagay lamang ang kanin sa plato na may sabaw ng tubig at binudburan ng konting asin sa inyong pintuan.

7.Kung ikaw naman ay nais mag-apply ng trabaho, maglagay ka lang ng tatlong pirasong butil ng bigas sa iyong sapatos o kaya ay bulsa upang ikaw ay matanggap o suwertehin sa iyong pag-aapply.

  1. Masamang magtapon ng bigas. Ito ay magdudulot ng ilang sakripisyo sa buhay.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

SHARE
Previous articlePahula 188 ni Sir Govinda Jeremaya
Next articlePALMISTRY 241 ni Sir Govinda Jeremaya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here