Pamahiin Bigas: Aanihin mo ang Kaginhawahan

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Ang bigas ang pangunahing pangangailangan ng bawat tao kung nais mong magkaroonm ng kabusugan sa bawat araw. Gayunman, importante rin naman ang ulam dahil makapagbibigay ito ng sustansiya. Iyon nga lang, kung wala kang pambili ng mamahaling pagkain, wala ka na pagpipilian kundi mag-ulan ng asin, toyo at mantika.

Bukod sa nakapagbibigay ng kabusugan sa atin ang bigas, makapagbibigay din ito sa’yo ng suwerte lalo na kung lilipat ka ng bahay. Makabubuti nga raw kung ang bigas ang una mong iaakyat dahil magbibigay ito sa’yo ng matinding kaginhawahan. Ibig sabihin, magiging maganda ang iyong buhay lalo na kung lalangkapan mo ito ng kasipagan.

Kaya, kung naniniwala ka sa pamahiin, kailangan mo itong sundin. Ang lalagyan ng bigay na una mong inakyat ng maglipat ka ng bahay ay huwag na huwag mong gagalawin. Hayaan mo lang siya na nasa maliit na lalagyan para ‘yan ang magsisilbing pampasuwerte mo. Magiging alay mo kasi ‘yan sa mga nilalang na nasa tahanan mo para ikaw ay maging masuwerte.

O, gugustuhin mo ba talagang maging masuwerte? Simple lang naman ang paraan na ‘yan. Sundin mo ang payo ko. ‘Yan ay kung talaga ngang gusto mong magkaroon ng masanang buhay. Kung gusto mo naman na maging miserable ka, magtapon ka ng bigas o kanin at tiyak na ikaw ay mamalasin sa’yong buhay.

Ngayon, ano nais mo, maging masuwerte o maging malas?

SHARE
Previous articleAng mga kaawa-awang anak
Next articleESPIRITU NG ISANG TAONG NAMATAY O MASAMANG ESPIRITU BA ANG NAKAKA-USAP?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here