Pamahiin Basag na salamin: Kamalasan ang hatid

Sa maniwala ka’t sa hindi, may kamalasang ihahatid sa’yo ang basag na salamin kaya kung may salamin kang basag sa’yong tahanan, kailangan mo ‘yang itapon agad. Kung pananatilihin mo kasi ang basag na salamin sa loob ng bahay mo, magiging mailap sa’yo ang suwerte dahil humihigop ng negative vibes ang basag sa salamin.

Kaya, kailangan mo talagang maging maingat sa salamin kung nais mo talagang magkaroon ng sandamakmak na suwerte ang iyong buhay. Ayon kasi sa pamahiin, kapag nabasag mo ang salamin, ikaw ang posibleng dahilan para mawasak ang iyong pamilya. Ibig sabihin nito, maaaring magkahiwalay kayo ng iyong mister.

Kaya, kung nais mong makontra ang kamalasang iyon, ang nabasag mong salamin ay kailangan mong ibaon agad sa lupa. Kung hindi mo naman ito gagawin, maaari kang malasin ng pitong taon. Siguro naman ay hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon kaya habang maaga pa, sundin mo na lang ang sinasabi ng pamahiin.

May mga pagkakataon naman na kahit sobra-sobra ang pag-iingat na iyong ginagawa, bigla mo na lang makikitang basag-basag na ang salamin sa sahig. Kapag daw kusang nabasag ang salamin, ibig sabihin ay may trahedyang nangyari sa iyong kapamilya. Malaki ang tsansa na may taong malapit sa’yong buhay ang bigla na lang binawian ng buhay. Kaya nga, sa pagkabasag ng salamin, hindi mo maiiwasan ang makaramdam ng labis na kilabot at mapapahawak ka pa sa tapat ng iyong puso dahil biglang bibilis ang pintig nu’n.

Ikaw, anong karanasan mo tungkol sa basag na salamin?

SHARE
Previous articleCoronavirus, Mahigpit Na Binabantayan Ngayon
Next articleJESUS CHRIST, BABALIK RAW SA TAONG 2050

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here