Pamahiin Basag: Isang Babala

Kutob, ito ang bigla nating mararamdaman kapag may hindi magandang nangyayari sa ating paligid. Pakiwari natin ay nahihirapan tayong huminga. Ang lakas-lakas naman kasi ng kabog ng ating dibdib. Pakiwari natin ay may dapat tayong ipagluksa lalo na kapag may baso o picture frame na nabasag.

Ayon sa pamahiin, kapag nakabasag ka ng baso, pinggan, salamin o picture frame na hindi mo sinasadya ay may posibilidad na isa sa kapamilya mo ay napahamak. Maaring siya ay naaksidente at namatay. May mga pagkakataon pa na kahit hindi mo hawak ang alinman sa mga ito ay bigla na lamang itong babagsak.

Kaya nga ang laging paalala ng matatanda na kapag may kamag-anak o kapamilya ka na aalis,  ikutin mo ng pitong beses ang iyong plato para siya ay hindi mapahamak. Ginagawa mo ba? Kung minsan kasi ay binabalewala mo lang ang pamahiin ito dahil nga tayo ay nasa makabagong panahon na kaya ang mga ganyang paniniwala ay hindi na pinaniniwalan.

Ang buhay natin ay puno ng kung anu-anong hiwaga kaya hindi mo dapat binabalewala ang sinasabi ng mga pamahiin. Napakasimple lang naman kasi para makontra ang masamang maring mangyari kaya, bakit hindi mo gawin? Ikaw din naman kasi ang makikinabang kapag nagawa mo siyang maligtas sa kapahamakan. Kung hindi mo kasi gagawin ang simpleng pag-ikot ng plato ng pitong beses, siguradong makukonsensya ka kapag may kapamilya kang napahamak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here