Pamahiin Balat

Tunghayan natin ang Pamahiin Balat

Mahirap ang magbuntis! Ito ang katotohanan na mariin kong sasang-ayunan. Labing pitong taon na kasi ang nakakaraan ng maranasan ko ring mabuntis. Iyon nga lang dahil hindi tama ang panahon ng ako ay magbuntis, masasabi kong napakahirap sa akin iyon lalo na’t wala naman akong trabaho. Kaya ang ending, ang mga magulang ko rin ang sumuporta sa aking pagbubuntis.

Hindi biro ang magbuntis. Bukod sa mayroon kang dinadala sa’yong sinapupunan, hindi pa kumportable palagi ang pakiramdam mo. At ang pinakamatindi kong naramdaman noong nagbubuntis ako ay iyong todo-todong pangangasim. Nakakaramdam ako ng pag-init ng ulo kapag hindi ko nakain ang gusto kong kainin. At noon ngang nanganak ako, nakita kong may malaking balat si Ivan sa kanyang tuhod.

Sa artikulong Pamahiin Balat ay ibabahagi ko sa inyo ang maaaring mangyari kapag hindi mo nagawang kainin ang iyong gusto sa panahong ikaw ay nagbubuntis.

Tulad nga ng sinabi ko, nagkaroon ng balat si Ivan noon sa kanyang tuhod dahil sa hindi ako nakakain ng pizza. Wala naman kasi akong pambili ng pizza nu’n tapos, wala naman akong maasahan sa ex ko dahil kahit nga sarili niya’y hindi niya mapakain. Ang ibig kong sabihin dito, malaki ang magiging epekto sa’yong anak kapag hindi mo nasunod ang kanyang hiling.

Okay lang naman na magkaroon ng balat ang sanggol pero sana ay sa tagong parte ng kanyang katawan. Kung magkakaroon kasi ng balat sa kanyang mukha, iyak na pagtatawanan siya ng mga tao. Kalimitan naman kasing magiging tampulan siya ng tukso. Kapag nangyari iyon, siguradong bababa ang kanyang self confidence. Kung ikaw naman ay mabuti at mapagmahal na ina, hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon.

Kaya, ano ang dapat mong gawin? Magbuntis sa tamang panahon. ‘Yung handa na talaga kayo sa buhay pag-aasawa. ‘Yung mayroon na kayong trabaho bago magpamilya. Dahil kung magiging pabigla-bigla ka lang sa nararamdaman mo ngayon, maaaring mabiktima ng Pamahiin Balat ang iyong anak.

Siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon, hindi ba? Kapag kasi ganoon ang sitwasyon, para pang dinudurog ng pinung-pino ang iyong puso. At sana naman ang mga lalaki ay maging responsable rin sa kanilang ginagawa. Kung hindi mo naman kayang panindigan ang isang babae, huwag mo siyang buntisin dahil hindi lang ang buhay niya ang sisirain mo, pati na rin ang magiging anak ninyo.

Salamat sa pagbasa sa Pamahiin Balat.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here