Pamahiin Balat Sa Pwet: Mamalasin ka Palagi

Latest posts by philippineone01 (see all)

Malas nga ba ang mga taong may balat sa pwet? Para sa ibang tao, di dapat paniwalaan ang malas lalo na kapag mayroon kang balat sa pwet. Nagkataon lang daw iyon kaya di na dapat pang palakihin.

Ikaw may balat ka ba sa pwet?

Wala akong balat sa pwet pero ilang beses kong napatunayan na may kamalasang inihahatid ang mga may balat sa pwet.

Nang minsang nagpunta ako sa banko para kumuha ako ng sahod kasama ang aking kaibigan ay bigla akong nabadtrip dahil offline. Hindi lang isang machine ang di gumagana kundi tatlo. Kaya, lumipat ako ng banko. Saglit na nagpaalam nu’n ang kaibigan ko na may pupuntahan at sa kabilang banko ay nakapag withdraw ako agad. Dahil nasa Convinient Store ako nu’n bumili ako ng makakain. Binili ko rin ang kaibigan ko. Plano ko sa bahay namin iyon kainin pero nang sundan niya ako roon, biglang bumuhos ang ulan kaya doon na lang kami kumain. Sa pagkukuwentuhan namin ay naalala kong kapag kasama ko siya’y laging may aberyang nangyayari kaya di ko napigilang itanong sa kanya kung mayroon ba siyang balat sa pwet. Biro lang iyon sa akin kaya naman ng aminin nga niyang may balat siya sa pwet ay napahid ang ngiti sa aking labi.

Sa pagsasaliksik ko tungkol sa mga pamahiin ay napag alaman ko kung bakit sinasabing malas ang may balat sa pwet. Dahil nga daw  ang suwerte ay inuupuan. Kaya naman ang mga suwerteng dapat ay makamtan ay mistulang bulang maglalaho.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here