Pamahiin Balat sa Likod: Rason kaya ka tinaguriaang Juan

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Masarap naman talagang matulog. Sobrang nakare₋relax kapag humilata ka maghapo’t magdamag. Daig mo pa ang nakalutang sa alapaap. Pero, sabi nga, lahat ng sobra’y masama rin. Kaya kung lagi ka na lang nakahiga, sobra kang tatamarin sa’yong buhay. At iyon ang huwag na huwag mong  gagawin. Kung hindi ay baka magkaroon ka ng miserableng buhay.

Ngunit, kahit na alam na alam mong walang mangyayaring maganda kapag di ka kumilos, wala ka pa ring lakas para bumangon at magpakasipag. Ang rason, nasisiyahan ka sa’yong ginagawa. Kaya lang, ang mga taong nakapaligid sa’yo ay badtrip na badtrip. Nakakairita naman kasi talagang makita kang nakahilata lang habang ang mga kasamahan mo sa bahay ay abala sa pagtatrabaho.

Kaya, huwag kang magtaka kung tagurian kang Juan kung ikaw ay isang lalaki at Juana naman kung ikaw ay isang babae. Ibig kasing sabihin nu’n, ikaw ay nuknukan ng tamad. Ilang dekada na kasi ang lumipas ng sumikat ang karakter ni Juan Tamad.Isang iresponsableng lalaki na walang ginawa kundi hintaying mahulog sa bibig niya ang bayabas habang siya ay nakahiga.

Alam mo bang ang balat ay may malaking dahilan kaya di mo maawat ang sarili mo sa pagiging tamad? Para kasi itong pako na nakamartilyo sa buo mong pagkatao. At sabi sa pamahiin, kung ikaw ay may balat sa likod ay nuknukan ka ng tamad. Ang tanong, may balat ka ba sa likod?

Kung mayroon nga, di mo ba talaga kayang labanan ang iyong katamaran? Aba’y ikaw din ang mahihirapan. Kunsabagay, mahirap basta baguhin ang anumang bagay na nakasanayan mo na. Kaya, hinahmon kitang labanan ang iyong katamaran.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here