Pamahiin Bahing: Nagpapahiwatig ng babala

Mayroong di naligo Ito ang sigaw ng pilyong kaibigan kapag mayroong bumahing.

Napakakati naman talaga sa ilong lalo na kung ikaw ay sensitibo kapag pumasok sa ilong mo ang virus na galing din naman sa hangin. Kaya kailangan talaga nating ugaliin ang paliligo kung ibig nating huwag bumahing nang bumahing ang ating kasamahan. Saka, kahit na siya ang nagpapakita na may karamdaman, di mo pa rin magagawang itago ang masangsang mong amoy.

So, anong dapat mong gawin? Maligo siyempre. Mas magugustuhan ka kung mabango talaga ang iyong amoy. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon lalo na kung mayroon namang tubig palagi sa’yong tinitirhan.

Pero, teka nga pala. May babala akong nais sabihin sayo tungkol sa pagbahing. May  masama raw kasing mangyayari sa’yo kapag tumuloy ka pa sa paglakad mo gayung bumahing na ang kasama mo sa bahay. Maaari raw kasing may aksidenteng lumapit sa’yo kung may babahing bago ka pa  man lumabas ng bahay. Kaya mas maigi kung pipirmi ka na lang sa bahay. Kahit sabihin mong may importante kang lakad, mas importante pa rin ang buhay mo.

SHARE
Previous articleMga Dapat Ipagmalaki Ng Isang Babae
Next articleChinese Horoscope; Disyembre 11

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here