Pamahiin Bagong Taon: Dahilan kaya Minalas ang 2020

Ayon sa pamahiin, ang pagpapaputok ang pinakamabisang paraan para maitaboy ang malas nu’ng nagdaang taon. Ito rin ang magsisilbing daan para ang papasok na taon ay maging masagana.

Sa kaisipang ito ay bigla akong natigilan at napaisip nang malalim. Bigla ko kasing naalala na ipinagbawal na nitong mga nakaraang taon ang pagpapaputok, lalo na ‘yung mga paputok na talaga namang delikado. Para naman sa nakararami ay mas maigi na iyon dahil mas malayo sa disgasya ang mga kabataan at ang mga pasaway. Kung hindi kasi sila sumunod  ay maaari silang makulong.

Hindi ko naman sinasabing maling pinatigil ang pagpapaputok, ah. Ang ibig ko lang sabihin, gaya ng sinabi sa pamahiin, ang pagpapaputok ay nakakatulong para maging maganda ang ating kapalaran sa papasok na taon. Ang masasamang espirito daw kasi ay itinataboy nito. Kaya, kung ang aking pagbabasehan ay ang pagpapaputok at kamalasan, hindi ba naiwan ang nakamamatay na sakit na Covid 19 na nagsimula nu’ng 2019?

Gayunpaman, hindi lang naman ang pagpapaputok ang maaaring maging paraan para  maitaboy mo ang kamalasan.Kaya kung minamalas kaya, tanungin mo ang iyong sarili kung nagawa mo nga ba ang mga ito.

Dapat daw kapag bagong taon ay buksan ang bintana at pintuan. Sa pamamagitan daw kasi nito ay inaanyayahan mong pumasok sa tahanan mo ang mga suwerte.

Ang lahat ng bulsa ay dapat may lamang pera. Sa pamamagitan daw nito ay magiging masagana ang iyong Bagong Taon.

O, nagawa mo ba ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here