Pamahiin Baby: Alagaan ng husto

Kung nagkaroon ka ng tsansa na magkaroon ng anak, huwag na huwag mo itong pababayaan. Hindi naman kasi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng pagkakataon na makagawa ng bata, lalo na kung siya ay bunga naman ng pagmamahalan. O, nais mo bang malaman ang ilang pamahiin tungkol sa baby. Naririto ang ilang Pamahiin Baby na siguradong makatutulong sa’yo.

Una, binabantayan ng anghel ang mga sanggol. Dahil nga sa wala pang malay ang mga baby para maipagtanggol ang kanilang sarili ay mayroon silang anghel dela guwardiya na magpuprotekta sa kanila oras na manganib ang kanilang buhay. Kaya naman may mga sanggol na kahit na nasangkot sa aksidente ay nagawa pa ring makaligtas dahil nga sa may anghel na nagligtas sa kanila.

Pangalawa, huwag kargahin ng madalas ang sanggol. Kapag lagi mo kasing kinakarga si baby, mamimihasa siya sa karga. Hindi na niya nananaisin pang magpababa sa’yo dahil nasanay na siya. Kung ganoon, ikaw din ang lubos na mahihirapan. Dahil kapag hindi mo nasunod ang gusto ni baby, iiyak lang siya. Matitiis mo ba ang kanyang pag-iyak?

Pangatlo, itago sa libro ang unang gupit kay baby. Magiging matalino si baby kapag inipit mo sa libro ang unang gupit mo sa kanyang buhok. Kaya lang, kailangan munang sumapit ang kanyang unang kaarawan kapag ginawa mo iyon. Magiging mahina kasi ang katawan ng bata kapag ginupitan mo na siya kahit wala pang isang taon.

O, sana ay nagawa ka nitong matulungan,ah.

SHARE
Previous articleANG “THE ARYAYEK TIME TRAVELLING MACHINE”
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 18, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here