Pamahiin Arinola: Huwag mandiri sa suwerte

0
1067

Tunghayan ang Pamahiin Arinola.

Gusto mo ng arinola? Kapag itinanong ito sa’yo, tiyak na ang isasagot agad sa’yo ay ‘yuck’. Paano ba naman kasi, ang agad nilang iisipin ay kung pano ginagamit ang arinola. Siyempre lalagyan ng iyong ihi o kung minsan may kasama pang dumi.

Kung iisipin mo ang mga iyon, talaga ngang masusuka ka lalo na’t mayroon kang malawak na imahinasyon. Kaya’t siguradong kapag nakakita ka ng arinola, hinding-hindi mo pangangahasan na iyon ay buksan dahil alam mo naman ang kalimitang inilalagay doon lalo na’t ang nagmamay-ari noon ay ang iyong lolo at lola.

Pero, alam mo bang may ibinibigay din na goodluck sa atin ang arinola. Ito nga ang dahilan kaya’t sinasabing ang pagbibigay ng arinola sa ikinakasal ay magbibigay ng kasaganahan sa mag-asawa. Kapag sa isang negosyo, ang kalimitan nilang ginagawang kahon ay arinola. Matatawa ka sa lalagyan ng kanilang pera at makakaramdam bang pandidiri pero kung susuriin mong mabuti ang kalagayan ng kanilang kabuhayan ay masasabi kong sila ay matagumpay.

Ano nga ba ang mayroon sa arinola?

Nang makabasa ako ng artikulo ni Maestro Honorio Ong ay bigla akong naliwanagan kung bakit nga ba nagbibigay ng suwerte ang arinola sa mga taong nagkakaroon nito partikular na sa mag-asawang naregaluhan ng arinola at sa negosyanteng nagtatabi ng pera sa arinola. Dahil nga daw kasi ang arinola ay inilaan para lagyan ng ihi at dumi ng tao, nangangahulugan iyon ng kayamanan. Dahil ang ihi at dumi ng tao ay napu-produce mismo ng tao.

Kumbaga sa trabaho, ang pag-ihi at pagdumi ay isang bagay na ating pinaghihirapan. Kaya kapag nagawa nating mailabas o makuha iyon, mapapasigaw ka ng ‘success’. Ang tagumpay natin ay nagagawa nating makuha kapag pinaghirapan natin at kapag nagtagumpay tayo ay nakakasiguro tayo na magkakaroon tayo ng maraming pera.

Kaya, kung gusto mo talagang yumaman, huwag na huwag mong gawin ang lahat para ikaw ay magtagumpay. Hindi na siyempre kasama dito ang paggawa ng masama. Kung pipiliin mo kasing gumawa ng masama para makamit ang tagumpay, ipapaalala ko sa’yong ‘yan ay temporary lang. Malaki kasi ang tsansa na makulong ka lang kaya, bakit ka pa gagawa ng masama?

O, alam mo na ba kung paano ka asenso? Kung hindi mo pa rin ma-gets ang paraan, muli kong sasabihin sa’yo, ang paglalagay ng pera sa arinola ay maituturing na suwerte dahil nga itong arinola ay inilaan para sa mga napu-produce ng tao. Kaya kung tataguan mo iyon ng pera, siguradong mas makakaipon ka. Tiyak naman kasing walang sinuman sa kapamilya mo ang magtatangkang magbukas ng iyong arinola.

O, sana ay nakatulong ang artikulong Pamahiin Arinola para umasenso ka.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here