Pamahiin Api: Ikaw naman ang susuwertehin

Kung nais mong suwertehin sa’yong buhay, huwag na huwag kang mang-aapi. Kung ayaw mong maparusahan ng langit. Palagi mong tatandaan na kahit ano pa ang ginagawa mo, tama man o mali, naririyan ang Maykapal at nakabantay. Sigurado akong hindi ka niya kukunsintihin sa mali mong gawa. Sa halip, ipaparanas Niya sa’yo ang mali mong nagawa sa buhay.

Kaya, mas maigi pang ikaw ang apihin dahil sa huli dahil siguradong makakamit mo ang suwerte. Tulad ng mga magulang, kapag masama ang loob ng kanilang anak, come to the rescue sila at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para mapawi ang sama ng loob na kanilang nararamdaman. At dahil ikaw ay inapi’t napanatili mo pa rin ang iyong mabuting kalooban, siguradong ikaw ay susuwertehin sa darating na panahon.

Ang kailangan mo lang gawin ay maging mabuti sa’yong mga magulang. Huwag silang bibigyan ng sama ng loob at ikaw ay lubos na pagpapalain. Maging determinado ka lang sa karera na gusto mo at tiyak na susuportahan ka rin Niya. Baka nga, doblehin pa Niya ang mga hinihingi mo.

O, sana naman sa artikulong ito ay hindi mo na naisin pa na gumawa ng mali sa’yong kapwa dahil sa huli naman, ikaw din ay lubos na magdurusa. Kaya, huwag mong hayaan na dalhin ka ng iyong kapalaran sa kamalasang kinatatakutan ng lahat dahil baka hindi ka na makaahon ka sa kamiserablehan.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 19, 2020
Next articleHAIR FENG SHUI PARA MAGKA-LOVELIFE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here