Pamahiin Anting-anting: Paraan para ikaw ay magkaroon ng Kapangyarihan

May mga taong nais na magkaroon ng buhay na walang hanggan pero imposible naman iyon dahil wala naman tayong kapangyarihan para magkaroon tayo ng mahabang buhay. Gayunman, mayroong paraan. Ang kailangan mo lang gawin ay magbaon ng itim na pusa sa likod ng bahay ninyo at pagkatapos ay hukayin mo iyon pagkatapos ng isang taon upang ang kanyang buto ay magamit mong anting-anting.

Kaya lang, hindi ka maaaring pumatay ng pusa dahil sinisiguro ko na ikaw ay mamalasin lang. Ang maigi mo lang gawin ay mag-alaga ka ng mga pusa at kung may itim na pusa ka roon, huwag na huwag mo siyang itataboy dahil kapag dumating ang araw na siya ay mamatay, mapapakinabangan mo ang kanyang buto. ©PhilippineOne.com

Tulad ng sinabi ko, ang buto ng pusang itim ay maaari mong gawing kuwintas. Tiyakin mo lang na eksaktong isang taon mo ‘yan bago hukayin. Kapag nasa katawan mo kasi ang buto na ito ay magkakaroon ka ng ibayong lakas kung saan ay hindi ka tatablan ng bala o panaksak habang nasa katawan mo ang anting-anting na ‘yan. ©PhilippineOne.com

O, nais mo bang magkaroon ng anting-anting?

We add copyright messages throughout our articles due to the incredible amount of copyright fraud and theft performed by competing Facebook pages.  Thanks for understanding

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here