PAMAHIIN: Ang mga Nais Ipahiwatig ng Isang Butiki

22192

Naniniwala ka ba na bawat kilos ng isang butiki ay may kahulugan o nais ipahiwatig? May katotohanan nga ba na ang maliit at malamig na hayop na ito ay alaga ng Diyos? Iyan ang naririnig ko sa lola ko noong araw na ang butiki raw ay alaga ng Diyos at siyang sugo upang ang mga kilos natin ay matyagan. Pero anu-ano nga ba ang mga gawi ng isang butiki na binibigyan rin ng iba’t-ibang kahulugan?

Isa na rito ang pagtuktok ng butiki na ang ibig sabihin raw ay mabubulilyaso ang iyong mga plano o may mga nais kang hindi mo magagawa. Ang paghuni o pagtiktik naman ng butiki sa iba’t-ibang parte ng inyong bahay ay may kahulugan din, tulad na lang kapag sa kusina mo ito narinig, maghanda ka na ng pera dahil may pagkakagastusan ka. Kung sa kuwarto naman, ay magkakasakit ka o sinumang miyembro ng pamilya. Kung ang huni naman nito ay narinig mo  sa pintuan ay may bisitang paparating. Pag sa bintana ay sulat ang darating. Kapag ito ay naman ay nasa labas ng pinto na halimbawa ay nasa paso o anumang bagay na nasa harapan ng bahay nyo o dili kaya ay terrace, papalabas  din ang pera ibig sabihin ay may manghihiram o mangungutang sa’yo. Kung sa salas, kinakailangan mong magpahinga.

Kapag naman daw naiputan ka ng butiki o nahulugan ng dumi nito halimbawa ay sa’yong kamay, suwerte ito. May biyaya o oportunidad na paparating. Kung sa ulo ka naman nadumihan ng butiki ay may mga bagong ideya kang maiisip. Kung sa balikat mo bumagsak ang dumi ay may paparating kang pasanin kaya mas mabuting palisin mo ito agad at kumatok ng tatlong beses sa kahoy upang hindi ito maganap. Kung makakakita ka naman ng butiki na nadikit sa isang madikit na bagay o kaya naman ay naipit at hindi makaalpas, kapag tuinulungan mo raw ito ay papalitan niya ito ng suwerte bilang pasasalamat.

Iyan ang mga pamahiing butiki na nalaman ko na sana ay nakapagbigay rin ng kaalaman sa inyo. Tulad ng ibang mga pamahiin, ang pamahiin tungkol sa butiki ay maari ninyong paniwalaan at maari din namang hindi.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

2 COMMENTS

  1. Ano nman po kahulugan ng panaginip ko po nagtatalik dalawang butiki kulay brown .. Sila

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po
      Registration Instructions:
      Go to https://filipinaproud.com
      Click on Join (top bar)
      Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from main page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here