Pamahiin; ALAK

0
170

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Saan mang panig ng mundo ay maraming tao ang nahuhumaling sa alak. May mabuti at masamang epekto ito sa ating katawan. Pero hindi muna iyan ang pag-uusapan natin kundi ang kinalaman ng alak sa pamahiin. Isa-isahin natin ang mga pamahiing naiuugnay dito.

1.Kapag may mga kasayahan, automatic na na may inuman. Pero bago ito umpisahan, dapat munang magbigay pugay sa Diyos. Kung kayo ay sa tabing dagat mag-iinuman, dapat magbigay pugay sa bathala ng dagat. Kung nasa kabukiran naman o kagubatan , dapat magbigay pugay sa bathala ng kagubatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagtataas ng baso ng iyong inumin sa hangin nang sabay sabay.

2.Ang mga tomador naman sa kanto ay may sarili ring paniniwala tungkol sa alak. Bago sila magsimulang magtagayan, kailangan na mauna nilang tagayan ang demonyong nasa paligid sa pamamagitan ng pagtatapon ng unang tagay ng alak sa lupa. Ganito rin ang gagawin sa huling tagay. Isasaboy ang alak sa lupa. Ito ay upang hindi sila guluhin ng demonyo at ilagay sa kapahamakan matapos ang kanilang inuman.

3.Sa France, naniniwala sila na kapag kayo ay nagtoast ng baso ninyo ng alak, kailangang manatili kayong nakatingin sa isa’t-isa dahil kung hindi , kayo ay susumpain ng pitong taon na kamalasan pagdating a sex. Hindi mo rin dapat na ikawit ang iyong braso sa tao habang kayo ay nagtotoast. Hindi mo naman nanaisin na magkaroon ka ng hindi magandang karanasan sa sex sa loob ng pitong taon kaya walang mawawala kung susundin mo ang pamahiing ito.

4.Kapag ikaw ay tumagay, kailangan mo raw ubusin ang laman nito, kung hindi mo na maubos ay dapat mo itong itapon dahil hindi mo ito pwedeng ibalik sa mesa na may tira pa dahil ikaw ay mamalasin.

5.Malas din ang aabutin mo kapag ang baso mo ng alak ay itinoast mo sa may baso ng tubig.

6.Kung ang grupo nyo naman ay nagdesisyon na mag-inuman, walang sinuman sa inyo ang maaaring umalis hangga’t hindi nauubos ang inyong binuksan. Kung ikaw ay nagbabalak nang umuwi dapat mong inumin ang last shot upang hindi ka sundan ng malas. ffffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here