PAMAHIIN # 8; Basag na Salamin

0
8041

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Narinig mo na ba ang pamahiin tungkol sa basag na salamin? Kung oo man o hindi pa ay ipagpatuloy mo lang ang iyong pagbabasa upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.

Sinasabing hindi pa man naimbento ang salamin ay may mga pamahiin nang pinaniniwalaan tungkol sa repleksyon ng isang tao. Noong unang panahon ang ginagawang salamin ng mga tao ay ang tubig. Kadalasan ay sa ilog o lawa. Kapag nakita ng isang tao ang kanyang sariling reflection sa tubig at ito ay tila hindi buo o may naaninag na kakaiba, ang ibig sabihin ay may kamalasang naghihintay.

Ang mga sinaunang Griyego, Hebreo at Ehipto ay gumawa ng mga salaming yari sa pilak, ginto, at tanso at ang mga ito ay hindi nababasag. Ang mga sinaunang salamin na ito ay ikinokonsidera bilang labis ang kahalagahan at nagtataglay ng mistikong katangian. Noong 15th Century sa Venice Italy, sobrang mamahal ng mga salamin na nababalutan ng pilak. Ang mga mayayaman lang ang may kakayahang bumili nito. Kaya naman ang mga tagapagsilbi nila na siyang naglilinis ng salamin, kapag nabasag  nito ay siguradong mapaparusahan dahil hindi naman ito kayang palitan ng tagapagsilbi lang sa sobrang taas ng halaga. Ang kaparusahang naghihintay ay pitong taon na paninilbihan ng libre. Pitong taon, dahil pinaniniwalaan na ang pagkakabasag ng salamin sa anumang paraan ay magdudulot ng pitong taong kamalasan sa buhay ng nakabasag nito.

Sa kalagitnaan ng 1600s, ang England at France ay nakapag manufacture na rin ng maraming salamin sa mababang halaga. Gayunpaman, magpahanggang sa kasalukuyan na marami na ang gumagawa ng mga salamin ay hindi natitinag ang paniniwala na kapag ito ay nabasag , tiyak na kamalasan ang ihahatid. Hindi mo rin dapat tingnan ang iyong sarili sa basag na salamin dahil hindi na ikaw ang makikita mo kundi masamang espiritu. Ilan sa mga kamalasang sinasabi ay pagkalugi sa negosyo, kabiguan sa pag-ibig at ang pinakamalupit ay ang kamatayan. Sa kabila nito ay meron naman daw paraan upang mawala ang tila sumpang nakakabit sa basag na salamin. Ito ay kung pupulutin mo at pagsasama-samahin ang mga piraso ng basag na salamin at ibabaon ito sa lupa sa kabilugan ng buwan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here