PAMAHIIN #2; Nabunging Ngipin, Dapat Ihagis sa Bubong

13006

Karaniwan lang sa tao ang mabungian ng ngipin lalo na ang mga bata. Noong maliliit pa tayo, ang una nating ginagawa kapag tayo ay nabungian ay ang umiyak. Bukod kasi sa nasaktan tayo ay alam naman natin na papangit ang hitsura natin kung tayo ay bungi at tutuksuhin pa tayo ng mga kalaro natin. Subalit hindi talaga maiiwasan iyon. Parang naging bahagi na rin ng ating pagiging bata ang mabungian ng ngipin. Nangyayari ito kapag nabulok ang ngipin natin dahil sa pagkain ng matatamis  tulad ng kendi at chocolates, hanggang kusa itong matanggal. Pwede rin naman na bunga ng ating pagkadisgrasya sa sobrang kalikutan, tumatama ang ngipin natin sa isang matigas na bagay at nabubungi.

Kung naniniwala ka sa tooth fairy, ang nabunging ngipin mo ay siguradong ilalagay mo sa ilalim ng iyong unan kung saan ito kukuhanin ng tooth fairy kapag mahimbing na ang iyong tulog at papalitan ng konting halaga ng pera. Sa Pilipinas may paniniwala naman na ang nabungi mong ngipin ay dapat mong ihagis sa bubungan upang ito ay makuha naman ng isang daga at nang sa gayon ay palitan naman niya ang ngipin mo ng mas maganda at higit na matibay. Nakakatawa kung iisipin ang pamahiing ito subalit ito talaga ang naririnig ko noon sa matatanda. Nakakatawa pero marami ang naniniwala.

Anupaman ang paniwalaan nating mga pamahiin o hindi man natin ito paniwalaan hindi natin maikakaila na ito ay bahagi ng ating kultura. At hindi rin natin maikakaila na ang pagkakaroon ng buo at magandang ngipin ay nakakatulong sa pagkakaroon natin ng tiwala sa sarili. Kung ikaw ay bungi siguradong mahihiya kang ngumiti. Ang ngiti ay isang paraan para maipakita mo ang iyong kasiyahan o kagandahang loob sa sinuman ang iyong mangitian. Subalit kung ikaw man ay mabungian, huwag na rin masyadong mag-alala dahil marami ng paraan para ang iyong nabunging ngipin ay mapalitan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto