PALMISTRY 98: Balansehin ang puso’t isip

Sa Palmistry 98 kaya tunghayan mo ang request ni Azil Anino Sapa.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

        Magandang araw po. Pahula po.

                                                 Azil Anino Sapa

 Sayo Azil Anino Sapa,

      Kitang-kita sa iyong palad na ang iyong The Head Line at ang iyong The Heart Line ay pantay na pantay ang sukat. 

      Anumang bagay na balanse, tiyak na maganda . Pero, kapag  ang isang bagay ay hindi balanse tiyak na aabutin ng disgrasya. Ang ganitong katotohanan  ay hindi naman mahirap na ipaliwanag dahil  kahit na sino, nararanasan na kapag hindi  balanse sa buhay ay  nagbubunga ng  kung anu–anong problema. 

        Dahil taglay mo ang balanse sa isip at sa puso, ikaw ay malabong mabigo. Magkaganunman,  ang kabiguan ay  mapapasaiyo kapag  nawalan ng balanse ang isip at puso mo. 

          Kaya kapag nahaharap ka sa mabigat na problema huwag kang  papadaig sayong emosyon dahil sa simpleng katotohanan na ang tinatalo ang tao ng kanyang damdamin kapag nagpapatangay siya sa kanyang emosyon. 

       Kaya kapag galit na galit ka, huminahon ka  dahil sa pagiging mahinahon, ang isip ay  umiiral at hindi ang galit na nararamdaman. 

      Ang sobrang pag-ibig, balanse ba? Siyempre, hindi! Kaya, kontrolin mo ang sarili mo kapag inlove na inlove ka. 

        Ayon sa Palmistry Reading mo , umiwas ka sa mga taong magpapakita sayo ng espesyal na pagtatangi, dahil sa ganito nagsisimulang mawala ang balanse ng puso at isip mo. 

      Umiwas ka sa sa sobrang makadikit sayo dahil sa ganito nagsisiluma na  humina ang puso mo. Ang totoo nga, ang isa sa pinakamalaking weakness mo ay ang  dikit ng dikit sayo ng todo ang isang tao. 

Narito pa ang maaring abutin mo kapag nawala ang balanse sa puso’t isip mo:
          1) Malaking kabuhayan ang makukuha sayo ng taong siyang dahilan ng pagkawala ng balanse ng isip at puso mo.

       2) Galit sa mundo ang matitira sayo kapag  nabigo ka’t nasaktan ng dahil sa  hindi mo pagsunod sa isip mo .

       3)  Pagkaubos ng naipundar ang   kauuwian mo kapag ipinilit mo ang dikta ng damdamin mo.

       4)  Kung  ang isip mo ang pakinggan mo, habang ikaw ay in love, mapapaganda ang lovelife mo.

          5) Kung makakasingit ang isip mo sa panahong ikaw ay problemado , mareresolba ang iyong mga problema.

          6) Kapag paminsan-minsan at maganda rin na medyo madalas  na sasangguni ka sa isip mo bago ka kumilos, mapapabuti ang  resulta ng mga pagkilos mo.

          7) Pakinggan mo ang isip kapag ikaw ay nalilito sa kung ano ang tama at kung ano ang mali sa mundong iyong ginagalawan.

           Mayroon pang ilang bagay na  ikakaganda ng buhay mo, magkaganunman sapat na ang mga nasa itaas para mabalanse ng buhay mo at  ng lumigaya ka ng buhay mo.                                  

More Palmistry

More Horoscope

More Dreams

More Astrology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here