PALMISTRY 92: Tips para maging masayang lovelife at magkaroon ng masaganang buhay

PALMISTRY 92: Tips para maging masayang lovelife at magkaroon ng masaganang buhay

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Ang palmistry 92 ay  para kay   Ramela Quedu Guisabi.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Good PM. Inaasahan ko po na ako’y iyong pagbibigyan. Maraming salamat po.

                             Ramela Quedu Guisabi

 

Sayo Ramela Quedu Guisabi,

Kitang –kita na malapad ang palad mo. Ibig sabihin, malapad or malawak din ang mundong iyong  ginagalawaan na ang isa pang kahulugan, marami kang pwedeng gawin sa buhay mo.

Kitang-kita rin na mayroon kang galing at husay sa negosyo dahil may business line ka.

Kitang –kita rin na  okey na okey lang ang haba ng iyong The Heart Line. Na nagsasabing hindi ka matutulad sa marami na sobrang bigo sa lovelife .

Pero maiksi ang iyong The Little Finger ,na ang ibig sabihin, kinikimkim mo ang sama ng loob mo.

PALMISTRY 92: Tips para maging masayang lovelife at magkaroon ng masaganang buhay

Narito ang ilang payo na  malaki ang maitutulong para mabuhay ka sa kaligayahan at magkaroon ng masaganag buhay:

1)     Huwag na huwag kang makikipagsosyo sa negosyo na hindi ikaw ang mangangasiwa o bawal sa’yo na ipaubaya sa kasosyo mo ang lahat ng  tungkol sa pagpapatakbo ng inyong negosyo.

2)     Kapag  hindi ka  nakinig sa nasabing payo, ihanda mo ang loob mo dahil maiisahan ka ng iyong kasosyo.

3)     Labanan mo ang pagiging mahiyain mo.

4)     Dahil  ang mahiyain, maliit ang tsansa na  maabot ang  kanyang mga pangarap.

5)     Huwag mong kakalimutan na ang sarap ng buhay ay nasa pakikipagsapalaran.

6)     Ang kinikita sa negosyo ay pinalalago, hindi itinatago.

7)      Dahil ang sobrang maingat  naiiwan ng milya-milya ng kanyang  mga kakumpitensya.

8)      Maganda rin ang madamot pero  kapag talagang kailangan ng  lumalapit sa’yo , tulungan mo.

9)     Ang mga nagkukunwaring nangangailangan ay mabilis magsalita  at madulas ang dila.

10)  Ang  hindi makapagsabi ng kanyang gusto, siya ang tunay na tao.

11)   Habang lumalakad ang panahon ang  nagpupundar ng kabuhayan ay tunay na  yayaman.

12)  Ang mayaman na walang naiipon, sa huli’y, mas mahirap pa sa daga at magmumukhang kaawa-awa.

13)  Hindi pinapatulan ang gumagawa ng hindi sinadyang pagkakamali  dahil ang lahat  naman ay  hindi  naiiwasang magkamali.

14)   ’Ngipin  sa ngipin, mata sa mata’. Kalimutan muna ito dahil ang Bagong Utos, mula kay Lord Jesus ay nagsasabing , “Mahalin mo ang kaaway mo”

15)   Higit sa lahat , isabuhay mo ang pagtulong sa mga nangangailangan na mga kapus–palad . Dahil   minsan din naman ,ikaw ay nangailangan  at nadama mo na sobrang hirap pala ng wala kang malapitan.

16)  Ang lahat ng mga payo na nasa itaas,  gawin mong patakaran mo sa buhay mo ng ang pagpapala ng Dakilang Malilikha ay sumaiyo.

O, gusto mo rin bang magpa-palmistry reading?

More Dreams

More Palmistry

More Horoscopes

More Astrology

SHARE
Previous articleIsyu 188 : Ang kahulugan ng bagyo, punong akasya at maaliwalas na umaga
Next articleEula Valdez Bio
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here