PALMISTRY 90: Kilalanin ang mga ‘di dapat mahalin

1
134
PALMISTRY 90: Kilalanin ang mga ‘di dapat mahalin
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Nandito na ang palmistry 90 reading request ni Janice. O, girl, nandito na ang iyong palmistry.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

         Pakitingnan po ang palad ko,  thank you po.

                            Janice

 

Sayo Janice,

Kitang–kita na  mahaba ang iyong The Ring Finger.  Ang  The Ring Finger ay tinatawag  din na The Finger Of The Sun.

        Para makuha mo ang meaning ng  mahabang The Ring Finger, mas magandang ang pag-usapan muna natin ay kung ano ba ang “The Sun” sa larangan ng Palmistry? 

       Sa The Sun ay nagmumula ang liwanag. Sa The Sun ay nagmumula ang init. Sa The Sun din nagmumula ang lakas. Kumbaga, may liwanag dahil sa Haring Araw, may init dahil sa Haring Araw at may lakas dahil din sa Haring Araw.

PALMISTRY 90: Kilalanin ang mga ‘di dapat mahalin

Ang salitang “sunny” ay mula rin sa The Sun kaya nga ang masasayahing tao ay may mahabang  The Ring Finger.  Kaya  ang mga malulungkutin ikaw ang pipiliin. Ang mga hindi masaya, ikaw ang papangaraping makasama.

Ang mga madidilim ang kapalaran sa’yo  didikit. Sila na parang  nagdidilim ang isip dahil sa mga problema, ikaw ay parang mabisang gamot para sa kanila. Sila na nangailangan ng liwanag para muling  makapagpatuloy sa pagtahak sa landas ng kanilang buhay,  ikaw ay  kailangan.

Ang mga nanlalamig sa buhay, ikaw din ang kailangan,kumbaga, ang mga  tamad ng magsikap, sisipagin muli dahil sa’yo. Sila na malamig magmahal, muling makakadama ng init at mabubuhay sa kanilang ang ningas ng pag-ibig.

Ang mahihina, ikaw ang kalakasan. Sila na walang kakayahang gawin ang kanilang gusto, bibigyan ng lakas. Sila na bigo na na sundan ang kanilang mga  pangarap makakakita sa’yo ng lakas upang  muling subukan na maabot ang kanilang mga pangarap.

At ang isa sa kakaibang kapalaran mo, ang mga minalamas o mga Taong Malas, sa’yo ay susuwertihin, dahil ang isa pang katotohanang  tungkol sa iyong kapalaran ay nagsasabing ang suwerte at ikaw ay iisa lang.

Sa dami ng papel mo sa ibabaw ng mundo na mapapansin mong para kang ipinanganak para sa mga tao ,  bilang pagtatapat sa’yo , ayon sa palad mo, ikaw ay malilito, maguguluhan at makakadama ng hindi maipaliwanag na kalungkutan.

Dahil dito ang babala para sa’yo ay nagsasabing ang iyong kinaawaan ay huwag mong mahalin na pagmamahal na pang relasyon. Dahil ang awa at ang tunay na Love ay hindi  magkatulad.

Ang iyong tinulungan ganundin, iwasang mahalin at ang mga nagsasabing hindi sila mabubuhay ng wala ka,  iwasan mo rin na sila ay mahalin. Sila na sinuwerte ng dahil sa’yo ay hindi mo rin pwedeng mahalin.

Ibig sabihin,  hindi maganda kung ikaw ang magpapasya sa maseselang  bagay na makakaharap mo  dahil dito, mahigpit na inirerekomenda na ang pakinggan mo  ay ang bestfriend mo.

        Dahil ang bestfriend ay higit na nakakakilala sa ating pagkatao. Mas malawak ang paningin ng bestfriend kaysa sa’tin kaya  higit niyang  alam kung ano ang dapat sa atin.

O, a;amin mo na rin ang palmistry mo.

Dream Interpretations dito

Palmistry dito

Astrology dito

Horoscope dito

1 COMMENT

  1. Pahula dn po aq micaela villar belmonte
    May 8,1982
    Hiwalay s asawa
    Pero pnay po pnggulo s buhay nmin mg ina andun s knya ung isa q n anak at panay banta s buhay q n papatayin aq tnx po sana Malaysian nio po aq

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here