Palmistry 87: Epektibong paraan ng pag-asenso, inisa-isa ni Sir G.

Palmistry 87: Epektibong paraan ng pag-asenso, inisa-isa ni Sir G.

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry reading ang request ni  Rene Curiano na buong puso nating pagbibigyan.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya ,

        Ano po ang magiging kinabukasan ko at ano po dapat kong gawin upang umasenso ang buhay ko? Maraming salamat at pagpalain lagi nawa ng Panginoon Diyos. Amen!

                                                         Rene Curiano

  

Sayo  Rene Curiano,

         Kitang-kita na ang iyong The Fate Line ay nagsimula sa iyong The Mount of the Moon. 

Sinasabi sa palmistry  mo na ang iyong hanap-buhay ay  dahil sa kapritso ng  mga tao. Kumbaga, malakas ang hatak mo sa mga kostumer at sa mga kliyente mo. 

Ipinapahayag din sa’yong palmistry reading na hindi talaga dahil sayo kaya gaganda ang buhay mo  sapagkat  ang mga tao ay kusang nagugustuhan ka at ang iyong mga produkto. 

Palmistry 87: Epektibong paraan ng pag-asenso, inisa-isa ni Sir G.

          Magkaganunman, dapat mo rin malaman na nawawala rin ang  pagkakagusto ng mga tao kapag ikaw ay namali ng mga kilos o nagbago ng mga patakaran mo sa buhay. Dahil dito, narito ang ilang magagandang bagay na dapat mong ikunsidera. 

1)     Kausapin ang mga mamimili o mga suki na ang isa sa pag-uusapan ay ilang  personal na bagay sa kanila . Kumbaga, hindi maganda sa negosyante na ang kanyang mga produkto lang ang kanyang interes. Sa ganito,  mas mapapalapit sa mga tao at sila ay magiging kaibigan mo. 

2)     Tatawagin mo sila sa kanilang pangalan dahil saya at nag-aangat sa dignidad ng tao ay ang madinig ang kanyang pangalan o nickname. 

3)     Paminsan-minsan dalawin ang mga suki sa kanilang bahay para magkukuwentuhan kahit sandali lang. 

4)     Bawal ang kinukontra ang mga suki. Dahil kahit ikaw man, siyempre ayaw mo ng ikaw ay kinokontra. Ang tawag dito sa larangan ng pagnenegosyo ay “Bola” ,as in , bobolahin mo sila na kasing kahulugan ng  uutuin ang mga suki. 

5)     Lahat ng maganda sa kanya ang iyong papansin. Isa itong mabisang istilo sa pakikipagusap sa tao.

6)     Hahayaan mo lang na makalamang ng maliliit na bagay ang mga suki. Dahil sa negosyo ang maliit na bagay ay balewala lang naman  dahil nababawi rin ito sa paulit-ulit o pagbabalik ng mga kliyente. 

7)     Magsuot ka ng masaya. Oo, masaya na ang ibig sabihin ay  huwag kang magsusuot ng kupas na  o sobrang luma . 

8)      Isinusuot mo rin , Rene Curiano , ang magandang personalidad, na ang ibig sabihin,  bawal ang nakasimangot ,bawal ang makita kang malungkot kaya kahit papilit lagyan mo ng ngiti ang iyong mga labi.

 9)     Dahil ang masayang personalidad ay isinusuot din na nagsasabing ang  mga problema ay dapat na iwan sa bahay at hindi dapat na isama sa place of bussiness. 

Pag-aralan mo ang mga iyan ,   Rene Curiano, dahil napatunayan na ang mga ito na very effective na marketing  formulas. Huwag mong babalewalain ang pagbasa sa’yong palmistry.

SHARE
Previous articleKomentaryo: Bakit may kriminal, bakit may adik?
Next articleSa Mata ng Kabataang Aktibista
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

2 COMMENTS

  1. June 29 1972 ang birthday my husband dec 16 1971 then my 2 boys may 15 1999 at may 22 2005 give press review

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here