Sa ngayon bigyang pansin natin ang request ni Romina Reyes.
Dear Sir Govinda Jeremaya,
Hulaan po ninyo kung ano ang aking kapalaran. Thanks po.
Romina Reyes
Sa’yo Romina Reyes,
Kitang–kita ang malinaw at tuwid na The Head Line mo. Ibig sabihin, sundin mo ang sinasabi ng “isip sapagkat hindi damdamin ang sandata ng tao para sa kanyang kapalaran.”
Ayon sa palad mo, isip ang gagabay sa’yo kaya hindi ka mamali at kung hindi sinasadya na damdamin ang naghari sa’yo, muli gagana ang isip mo ay matutuwid ka ng landas ng buhay na kung saan ay maayos ang buhay mo’t kapalaran.
Makapal ang palad mo, ito rin ay kitang –kita sa larawan ng iyong ipinadala. Nakakatuwa dahil totoong kahulugan nito ay makapal din ang magiging pera mo. Dahil dito, mapapabilang ka sa mayayaman at kung sabihin mo na hindi ka mayaman ang mga tao ay hindi maniniwala sa’yo na ikaw ay hindi mayaman.
Kaya lang naman nasasabi mong hindi ka pa mayaman ay dahil ang totoo habang buhay mo ay magpapayaman ka ng magpapayaman dahil ang pagyaman mo ay kusa rin namang nagaganap sa buhay mo.
Alam mo, Romina Reyes, ang mayayaman ay kinaiinggitan, dahil iniisip ng iba na sila na lang ba ang anak ng Diyos, dahil na rin sa marami ang nagsisikap pero wala rin naman. Marami ang masisipag pero nanatiling mahirap.
Ang iba kayod ng kayod kumbaga, kahig ng kahig pero hanggang kahig lang dahil wala rin namang natutuka.
Ang iba pa, hindi inaalinta ang pawis ay hirap sa pag-asa na ang buhay ay uunlad pero sa huli karamdaman ang nakuha kaya umaasa na lang sa kapwa.
Pero, mahirap din ang mayaman sa paningin ng mga tao, dahil, tulad ng nasabi, sila ay kaiinggitan pero ang masaklap ay ang tinulungan nakagagalit pa sa halip na magpasalamat.
Kitang–kita na iyong The Mount of Mars ay may mga guhit na sumisibat papasok . na ang ibig sabihin, mga kaaway na lihim. Dahil dito, ikaw ay pinag-iingat sa mga taong mapagkunwari na mga tinatawag ding mga plastic.
Magkaganunman, huwag kang mag-alala, hindi kabawasan sa’yo ang mawawala. Ang totoo, sa buhay mo ay magkakaroon ng katuparan ang madalas nating madinig na “Ang halaman na laging natatalbusan ay lalong lumalago.”
Muli, wala kang dapat na ipag-alala dahil wala rin naman nakikitang hindi maganda sa palad mo na ang sanhi ay ang maraming inggit sa’yo at may mga lihim kang kaaway.
Lagi kang magpasalamat sa Dakilang Manlilikha na sa’yo ay lumalang. Lagi mo rin Siyang pupurihin o magbigay ka sa Kanya ng kaukulang papuri dahil ito ay ang obligasyon bilang isang taong mahal ni God.
Tumulong ka rin sa mahihirap at mga kapus-palad dahil ikaw lang din naman ng kanilang maaasahan, hindi ang kapwa nila kapus-palad.