PALMISTRY 76: Silang hindi kailangang magtrabaho ng husto

 Palmistry reading ang request ni Emily Tuiza.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

              Pahula rin po.                                

                              Emily

 

Sayo Emily,

Kita –kita na ang dulo ng iyong The Thumb o Hinlalaki ay pointed o patulis. 

Napansin mo ba, Emily, ang mga photos ng kamay ni Presidente Duterte?  Ang dulo ng kanyang The Thumb at ang sayo ay magkatulad. Para mas maganda maghanap ka pa ng ibang taong kilala mo na kahawig din ng dulo ng daliri mo. 

At  ang malalaman mong katotohanan  na ang taong may pointed  fingers ay  hindi  na kailangan ang Hardwork para lang mabuhay ng masarap. At para mas makuha mo ang katotohanang maghanap ka ng taong kita –kita mo na  Hardwork ang susi sa tagumpay matutuklasan mo hindi patulis ang dulo ng kanilang mga daliri.     

Dahil hindi muna kailangan pa ang  Hardwork, ang kailangan mo na lang ay ang magpasalamat sa nasa Itaas. Paano ka magpapasalamat sa Dakilang Manlilikha na lumalang saiyo?      

Nasusulat , “Painumin mo ang nauhaw at parang Ako na rin ang iyong pinainom.”

      “Kumutan mo ang nagiginaw, bigyang ng damit ang walang kasuotan.”

     “At pakainin mo ang nagugutom at bigyan mo ng pahingahan ang napapagod.”

     “Mahalin mo ang mga kapus-palad at ang mga ulila at mga balo ay dalawin mo.”

     “At ang mga bata ay bigyan mo ng saya.”

     Lahat ng mga iyan, Emily,  ay iisa lang naman ang mensahe na kapag minamahal mo ang iyong kapwa na mga  nakakaawa ay para na rin si God ang pinakitaan mo ng pagmamahal. 

     Si God, kumpleto, hindi Siya nangangailangan ng kahit na ano, hindi niya kailangan ang mga abuloy at kahit ano. Pero ang mga nabanggit sa itaas kailangan nila ng tulong, kalinga at pagmamahal. 

        Kaya muli, sila ay mahalin mo na kapag ginagawa ay minahal mo na rin si God, hindi sa salita kundi sa gawa. 

        Dahil tulad ng nasabi na hindi ka isinilang para sa mahihirap na trabaho, kaya bilang ganti at pagtanaw ng utang na loob sa may likha sayo, sundin mo ang Kanyang mga bilin niya sa’yo.

         Hindi ka naman mahihirapang sundin ang Banal na Bilin, bakit? Dahil nga sa ang bagay na magpapasarap sa buhay mo ay ibibigay at sobra  pa sa kailangan mo at ang sobra  iyon ang itulong mo. Kumbaga, kaya sobra ay dahil ang sobra ay para sa iba o hindi na para sayo . 

      Sana, makuha mo ang mensahe sa sagot kong ito para lalong matuwa sayo ang Dakilang Manlilikha.

                                    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here