PALMISTRY 73: Huwag matigas ang ulo para ‘di mabigo

0
549
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa ngayon bigyang pansin natin ang request ni Arlene.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Pakibasa ko kahulugan ng photo ng palad ko. Salamat.

                                               Arlene

 

Sayo Arlene,

Narito ang ilang mahahalagang guhit na nasa iyong palad:

1)     Cross sa Mount of Jupiter na ang ibig sabihin may makakarelasyon ka na ikaw ay makikinabang na ang iyong pakinabang ay  malalaki at marami hanggang sa sobrang laki at sobra dami. Ito rin ay senyales na hindi lang isa, hindi  lang dalawa kundi talagang marami ang  bilang ng pwede mong makarelasyon  na nararanasan mo ang “Gains By  Means of Relationships.” 

  • 2)Taglay mo ang mahiwagang Guhit na kung tawagin ay Simian Line na ang guhit na ito ay ang pinagsanib na The Head Line  at The Heart. Kitang –kita na hindi gaanong kagandahan ang guhit mong ito na nagbababala na kapag pinairal mo ang tigas ng ulo mo’y  makararanas ng mga kabiguan .

Dahil dito, ang payo para sa’yo ay magkaroon ng isang tunay na best friend,  ‘yung  tapat na tagapayo. Hindi nang–iiwan at kung sakaling hindi sinasadya ay napalayo ang loob muli  siyang nagbabalik at mas tumatamis ang pakikipagkaibigan ng higit pa sa kapatid at higit pa sa asawa, boyfriend at iba pa.

3)   Kitang –kita ang maliliit na guhit na papatayo sa’yong Mount of Saturn na ang ibig sabihin ay maraming pagkakakitaan at hindi mauubusan ng pera o kabuhayan  sa huling bahagi ng iyong buhay o sa’yong pagtanda.

Kaya ang mga maliit na guhit na ito ay nagbibigay ng garantiya na hindi ka pabayaan ng Dakilang Manlilikha na lumikha sa’yo dahil nga sa nasabing  ang pagkakakitaan   ay higit na marami kaysa sa’yong inaasahan.

4)     Kitang –kita rin ang maraming maliliit na guhit sa’yong Mount of the Sun na

nagbabalita ng hindi mabilang na mga pangyayaring  magbibigay sa’yo ng mga suwerte para magkaroon ka ng masarap na buhay. Ito ay mga guhit ng  pwedeng –pwede kang manalo sa mga pakikipagsapalaran na ang mismong nakataya ay ang kapalaran.

Ibig sabihin  ito ang isa sa mga guhit na suwerte ka sa mga aktibidad na ang susuwertihin ay nagsasabing suwerte ka pala sa pakikipagsapalaran.

Lahat ng ito mangyayari sa buhay mo kaya ang huwag na huwag kakaligtaang hindi dapat pairalin ang tigas ng ulo. Dahil ang sanhi ng kabiguan at kalungkutan dito sa mundo ay ang katigasan ng ulo ng isang tao.

Samantala, ang isang susi ng tagumpay at ng kaligayahan ay ang sumusunod sa payo  ng mga nagmamahal at nagmamalasakit. Dahil na rin sa ang nagmamahal at nagmamalakit ay ayaw na ayaw na mabigo o masaktan ang kanilang mahal na kaibigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here