PALMISTRY 66: Ang babaeng may diamond sa palad

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa ngayon bigyang pansin natin ang request ni Julie.

 

Dear  Sir  Govinda Jeremaya,

          Sana po masagot mo ang kung ano ba ang nasa palad ko. Antay ko po sa sagot ninyo. Maraming salamat po. God Bless po!

                                  Julie

 

Sa’yo Julie,

Kitang–kita sa palad mo na mayroon kang “diamond” at ito ay matatagpuan sa iyong The Fate Line.

Ganito ang banggit  ng marami tungkol sa diamond,” Shining Like A Diamond.” Madinig mo palang ay sisigla ka na para bang may kakaibang saya kang mararamdaman.

        Eto po, “ A Diamond In The Sky”, lalong napakasarap pakinggan na para bang  nasa  taas ka ng  kalangitan na kung saan ay kapiling  mo at kaharutan ang mga bituin sa langit.      

Ang mga iyan, pangkaraniwang  nadidinig natin pero may bihirang mabanggit at ito ay ang “No Pressure. No Diamond.”

Medyo mabigat ang mga salita. Pero, ito ay isang katotohanan tungkol sa diamond. Dahil bago maging diamond ang ‘coal’  mabigat na pressure ang kailangan. At ang bigat na iyon ay ang mismong bigat ng earth o mundo.

Ganito ang mararanasan ng  isang tao bago siya magkaroon ng “Diamond –Like” na kapalaran. Dadanas muna siya ng hirap, pagod, pawis at  makakaranas din niya na para bang siya ay susuko na dahil sa bigat ng mga hamon ng kanyang kapalaran na kanyang pinapasan.

Magkaganunman , ang taong may “diamond” sa pala ay  ginagarantihan na sure na sure na  higit pa sa yaman ay mapapasakanila. Higit pa sa  maunlad na buhay, masagang buhay at buhay na nakaiinggit ang magiging kanilang buhay.

      Kaya , Julie, tanggapin mo ang aking pagbati ng “Congrats”, dahil sa tulad ng nasabi na sa unahan sobrang magiging maganda ang iyong kapalaran.

                                       @@@@@

Sayo Mr. Virgo ng Pasay City,

            Pansamantalang  kabiguan lang naman ang iyong nararanasan sa ngayon  dahil hindi maganda ang pwesto ng planetang Mars sa kapalaran mo. Pero muli, ito ay pansamantala lang dahil sa next month, sa March 2018 ay  gaganda ang pwesto ng Mars sa buhay mo na ang ibig sabihin, anuman ang pagsubok na makahaharap mo ay  tiyak na tiyak na malalagpasan mo na  kaya’t gaganda hanggang sa pinakamaganda ang takbo ng kapalaran mo.

Ito ang kahulugan ng naputol na The  Fate Line mo pero muling  nagpatuloy o muling nabuo na mas malinaw at mas maganda kaysa sa kanyang unang pagkakaguhit.

      At totoo nga, pwede ka ng magsaya at ito rin ang payo para sa’yo mula sa mga salitang “Let’s Celebrate Life.” Kumbaga, sinasalubong ang pagdating ng pagpapalit ng mga panahon na sa iba , ay nagfi-fiesta . Hindi man mala-Fiesta ang gawin mo ang mahalaga ay muli, salubungin ang magagandang araw mo sa pagsasaya .

SHARE
Previous articleLaging nakakapanaginip na may ginagawang bahay
Next articleEstranded sa airport dahil mga ‘nangyari’ sa Kuwait
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

4 COMMENTS

    • Good evening po sir GOVINDA JEREMAYA, October 24,1983 po ako.Ano po ang naging kapalaran ko sa hinaharap. My asawa po ako birthday nya po March 18,1989. Isa po anak naming anim na taon na po.. Pinanganak po siya noong May 9,2012.

      Maraming salamat po sir.

  1. Good evening po maestro gusto ko rin po sanang malaman kong ano po magiging kapalaran ko in the future po …Ipinanganak po ako noong July 09,1996 .

    Maraming salamat po ….

  2. Magandang araw po maestro ako po ay may 2 diamond sa aking kanang palad at mga triangle, pwede po bang malaman kung ano po ang ibig sabihin nito? Maraming pong salamat sa pagsagot sa akibg katanungan. God Bless po…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here