PALMISTRY 47: Ang babaeng itinakdang magtagumpay sa negosyo

0
530
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa ngayon analisahin natin ang photo ng palad ni Mary Lily Beth.

Dear Sir Govinda ,    

       Good evening po. Sir, pwede po pahula? Salamat po!

                     Mary Lily Beth

Sayo Mary Lily Beth,

            Sa ngayon, sobrang nakakaengganyo ang magnegosyo. Dahil sa hirap na mamasukan, mas marami ang nakaiisip na pumasok na lang sa negosyo. Pero, kahit ang mga may work, negosyo na rin ang gusto.

            Malaking pagbabago  ito sa kasaysayan ng  Pilipinas dahil sa nagdaang maraming dekada, ang gusto ng mga Pinoy ay ang mamasukan kaysa magnegosyo. Na nagsimula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila na kung saan ay para bang ang  gusto ng mga mapang-alipin Kastila ay mahawakan ang  negosyo sa bansa na kung saan ay  mamasukan lang sa kanila ang mga Pinoy sa mga hacienda at  maging alila lang ang mga Pinoy.

       Sa panahon naman ng pananakop ng mga Amerikano,  hindi naman din nagbago ang prayoridad ng mga Pinoy dahil lalo pang pinangarap ng marami ang mamasukan kaysa magnengosyo.

     Ang ganito mind set ng mga Pinoy ay  nag-ugat sa  mismong edukasyon na kung saan ay pinaunlad ng  mga Amerikano ang laranagan ng edukasyon na nakasentro lang naman din sa pagkatapos na mag-aral ang mga Pinoy ay mamasukan na lang.

      Inilihim ng mga mananakop  sa atin ang isang katotohanan na ang bansang ang mga ato ay  negosyante ay ang mga bansang  mauunlad. Pero sa ngayon ,ang  gusto ng mga Pinoy ay ang negosyo kaysa sa mamasukan, makikitang  nagsisimula na ang pag-unlad ng Pinas .

        Dahil , dito , Mary Lily Beth, gusto kong ibalita sa’yo  na ang mismong palad mo ay  palad ng isang  magtatagumpay sa negosyo. Kitang –kita na may business line ka sa palad mo na matatagpuan mismo sa bahagi ng tinatawag na Mount of Mercury na nagsasabing ang mga suwerte mo ay magmumula sa negosyo.

        Mapalad ka , Mary Lily Beth, dahil ang ganitong  guhit sa palad ay nagsasabi rin may likas kang galing at husay sa larangan ng komersyo. Ang totoo nga, tatalunin mo pa ang mga nagpakadalubhasa sa  pag-aaral ng  business sa kolehiyo.

       Kaya inaasahan na na  magkakaroon ka ng mga parangal at pagkilala  bilang isa matagumpay na negosyante. Marami ang hahangan sa’yo at bilang pauna, isa na ako sa sumasaludo sa’yo.

      Magnegosyo ka, Mary Lily Beth, dahil ito mismo ang Utos ng Kapalaran mo. Huwag kang matakot, huwag kang mag-alala at alisin mo ang anumang pangamba sa isip mo.  Dahil  tinitiyak ng kapalaran mo na ikaw ay yayaman sa pagnenegosyo at ang yaman mo ay  masasabing hindi mo na halos kayang bilangin dahil na rin sa sobrang dami.

   Ito Mary Lily Beth,ang masuwerteng balita para sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here