Palmistry 43 ni Sir Govinda Jeremaya

0
348
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Maddie Lin.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Gusto ko po  Palm Reading ! Thanks po!

                   Maddie Lin.

Saiyo Maddie Lin,

Isa sa pinakamagandang palad ang palad mo! Dahil ang lahat ng guhit  ay nakatuon sa pagkakaroon mo ng magaan ,as in, hindi mahirap na work and life mo mismo.

Kumbaga, ang  Langit mismo na siyang may likha saiyo ay  hindi pwede na hindi ka bigyan ng masarap na buhay.

Isa lang ang  hindi gaanong kagandahan sa palad mo at ito ay ang iyong The Heart Line na may kakapalan ang guhit at  hindi gaanong kahabaan ,na ang ibig sabihin:

1)      Very deep ka kung magmahal at ang taong  malalim ang pagmamahal ay kadalasang tinatalo ng  selos.

2)       Kaya lang matiisin  ka na siya dahilan kung bakit ang  nararamdaman mong  hindi maganda sa lovelife mo ay  mas masakit .

3)      Ito rin ay nagsasabing hayaan mong  maagrabiyado ka sa larangan ng lovelife  dahil sa iiangatan mo at pahahalagahan ang iyong  relasyon kumbaga, hindi mo ito hayaang masira ng  dahil lang sa  ibang  tao.

4)      Kaya masasabung ikaw ang taong  masarap mahalin  at isang  kayamanan na ng isanglalaki.Dahil sa ngayon, bihira ang tulad mo na handang magsakripisyo sa ngalan ng Love.

5)      Pero alam mo hindi naman masasayang ang iyong pagsasakripisyo  dahil  ito rin naman ang dahilan kung bakit  habang buhay kang mamahalin ng iyong  karelasyon.

6)      Makakaasa ka na anumang ang mangyari , ikaw pa rin ang kaisa-isa hiyas sa buhay ng  lalaking magiging  bahagi ng buhay mo.

7)       Alam mo , sobrang natutuwa ang langit sa marunong magpahalaga sa Love dahil  dito kitang –kita sa palad mo na bibigyan ka ng kayamanan ng langit.

8)      Kayamanang  higit pa sa yaman ng iba dahil  kahit pa tumulong ka ng tumulong sa mga tao, hindi ito mauubos dahil patuloy na bibiyaan ka at pagpapalain.

9)      Samantala , masasaksihan mo mismo  na ang mga girls and boys na hindi marunong  magpahalaga sa tunay na kahulugan ng Love ay aanin ng sobrang pangit na kapalaran.

10)  Ang isa pa sa maganda sa kapalaran mo ay ang marami sa mga suwerte mo ay magmumula sa malalayong lupain .

11)   Ang payo saiyo sa pangkahatan ay ang kapag may niinggit saiyo huwag kang magalit sa halip ay kaawaan mo sila dahil  kaya sila inggit saiyo ay dahil sa sila ay may hindi magandang buhay at patuloy na nakakaranas ng lupit ng kapalaran.Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here