PALMISTRY 42: Palakasin ang ‘will’ para makuha ang gusto

0
404
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa ngayon analisahin natin ang photo ng palad ni  JOBELLE.

Dear Sir Govinda ,    

            Pwede po ba magpabasa ng palad? Kung inyo pong tutugunan ay taos puso po akong magpapasalamat po sa inyo. God bless po.

                                          JOBELLE

Sayo JOBELLE,

            Marami ang nagsasabi na “If there ‘s a will, there’s a way!” Ang totoo nga, ang mga salitang ito ay ginawa na nilang personal na motto. Sa ganda ng mga salita at sa ganda rin ng mensahe, sino nga ba ang hindi maeengganyo na banggitin ito?

     Totoo naman kaya na kapag  may will,  may way na para bang sinasabi na kapag  may will ang isang tao, mangyayari ang kanyang gusto.

       Siyempre, ito ay totoo,  dahil ang isa sa sikreto ng pagkakaroon ng successful life,  dapat may “malakas” na will ang isang tao. Ang problema, sa  totoo lang din, hindi naman lahat ay mas malakas na will, ang iba pa nga ay wala naman will.

     Marami ang akala ay may will sila o may gusto sila , pero ang “will” na sinasabi nila ay sa totoo lang din ay “wish” lang nila. Kumbaga, hindi naman talaga tama na gamitin ang salitang will para sa mga gusto nila  sa buhay dahil “wish lang naman nila.”

       Kaya ang  isa tunay na hadlang sa tagumpay ay ang kawalan ng will or ang  kahinaan o mahina ang will ng isang tao. Paano malalaman kung mahina ang will ng isang tao at paano rin malaman kung malakas ang will ng isang tao?

       Ang tanong na ito ay masasagot sa gaano ba kalaki ang unang bahagi ng hinlalaki o ng The Thumb ng isang tao. Simple lang at masasarap na matutuhan ang paano nga ba malalaman ang tungkol sa will kung malakas o mahina.

        Kapag maiksi ang unang bahagi ng The Thumb, mahina o walang will ang isang tao at kapag mahaba, siya ay nagtataglay ng malakas na will.

   Kitang –kita sa larawan ng photo ng kamay na pinadala mo, JOBELLE, na ang iyong  unang bahagi ng iyong The Thumb ay mahaba, ibig sabihin, malakas ang iyong will kaya sa’yo ay matutupad ang mga salitang “If there’s a Will , There’s Way.”

     CONGRATS, JOBELLE!  Dahil tulad ng nasabi na sa unahan, magkakaroon ng successful life ang taong may malakas na will. Ibig sabihin,  kung ano ang gusto  mo ay ‘yon ang mangyayari sa’yo at kung ang salitang “gusto” ay  papalitan natin ng salitang “ambisyon”  inaasahan na ang mga ambisyon mo sa buhay ay tiyak na tiyak na mapapasaiyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here