PALMISTRY 244 ni Sir Govinda Jeremaya

1
434
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Mabasario.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Ako din po Palmistry po gusto ko.Maraming salamat ,Sir!

                              Mabasario.

Saiyo Mabasario,

Hindi gaanong kita ang guhit sa gilid ng palad mo  na kung tawagin ay Marriage Area or kung saan dapat na makita ang  guhit ng pag-asawa.

Dahil dito , ang konklusyon ay nagsasabing kulang ang element of.love sa marriage. Na ang ibig ding sabihin  ay  walang  Love na makikita na tunay na kahulugan ng Love.

Kumbaga, walang matagalang ligawan ang magaganap  at hindi  maaabot ang love na nasa kaysaysayan ng Love Ni Romeo at Juliet na obra maeastra ni Williamn Shakespeare. At  ang love sa pagitan ng  mga telanovela na mapapanood sa mga tv at movies.

Magkaganunman,  hindi ito nangangahulugan na hindi na mag-aasawa ang girl na tulad mo na ang marriage line ay halos di makita. Dahil ang palad mo ay may kakapalan o makapal , ikaw ay  tiyak na tiyak ,as in, sure na sure na  makakapag-asawa at hindi lang isa , hindi lang dalawa dahil higit pa sa tatlo ang makakarelasyon mo na  pwedeng  masabing  the love of marriage like relations.

Napansin din na ang iyong Mount Of Mercury ay makapal na ang ibig sabihin, pwede kang yumaman sa negosyo.

Nakita rin na ang iyong Mout Of Jupiter ay makapal din na ang ibig sabihin, dominante ka at  ang pakiramdam mo ,ikaw ay boss  at nakakahigit sa kapwa mo.

Alam mo, ang makapald na palad tulad ng saiyo ay may kakaibang kahulugan   kung sexueal love ang pag-uusapan dahil ito ay nagsasabing bumabalong ang iyong libido tulad ng pag-agos ng buhay na ilog na hindi nauubusan ng sariwang tubig.

Mapalad ka! Dahil bihira sa mga tao ang nakakadama ng tunay na ligaya sa kanilang pakikipagrelasyon. Kumbaga , ang tao sa panahon ngayon ay  halos hindi nakakatikim ng happiness na dapat maranasan sa pakikipagrelasyon.

Mapalad din ang iyong makakarelasyon dahil nga sa ibibigay mo ang lahat  para lang kayo ay makaabot sa tunay na kaligayahan.

Marami sa ngayon ang nagtitiis kahit hindi na masaya o hindi naman talaga kumuligaya  dahil lang sa mahirap ang makipaghiwalay at masira ang buhay kaya  ang uso sa ngayon  ay pinananatili ang relasyon  dahil sa, “ Eh, nandito na kasi.” Na ang ibig sabihin, tanggapin na rin  kahit tulad ng nasabi na ay wala namang  naaabot na tunay na ligaya.

Mag-ingat ka sa mga dumidikit saiyo dahil marami din sa kanila ang gusto ka lang maisahan at gusto ka lang nilang pakinabangan. Piliin mo ang may magandang ugali at magandang pagkatao at iwasan mong ang  pagmamahal sa may gandang panlabas pero  walang inner beuaty. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. Good morning,hi sir Govinda jeremaya gusto ko Sana magpahula sayo,Kong ano po ba magiging kapalaran ko,July 20.1981 po bday ko,marami pong salamat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here