Palmistry 242 ni Sir Govinda Jeremaya

0
187
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni HaizaMae Brosas.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

  Palmistry  po ,pahula ako!

              HaizaMae.

Saiyo HaizaMae,

Kitang –kita ang  mga daliri mo na mahahaba at mas mahaba kaysa sa pangkaraniwan.

Ito ay nagsasabing  ang misyon mo sa ibabaw ng mundo ay ang  pagpapalaganap sa kaalamang pang –ispirituwalidad.

Ito rin  ay nagsasabing  may kakayahan kang maging isang napakahusay na manghula. Dahil mahuhulaan mo ang nakaraan , ang kasalukuyan at ang hinaharap ng isang tao.

Taglay mo rina ng kakayahang mahulaan ang mga magaganap sa mundo.

Dahil tulad ng nasabi na ay  pang-ispirituwalidad ang misyon mo , ikaw ay  pinapayuhan na magtayo ng simbahan na kung saan ay ang mga tao ay mabebendisyunan. Gawin mo dahil ito ay pinagagawa saiyo ng mismong langit.

Abala ang mga tao sa meteyal na bagay kaya sila ay paalalahanan mo na hindi lang sa materyal na bagay nabubuhay ang tao kundi kailangan din ng tao ng pagkaing pangkaluluwa.

Dahil dito mahalagang malaman nila na  higit sa lahat ay ang Diyos ang dapat na mahalin.  At hindi makakabuti kapag ang tao ay nagmamahal sa materyal na mga bagay.

Ang palad mo rin ay nagsasabing malakas ng kapanyarihan mo sa panggagamutan kaya may kakayahang kang pagalingin ang anumang klase ng sakit o karamdaman na hindi na kaya pang lunasan ng mga doctor.

Kapag may hindi makaunawa saiyo sa hanay ng mga mahal mo sa buhay, habaan mo ang iyong pang-unawa at iwasan mong sumama ang loob mo. Dahil ang mga taong ganun ay para lang sa mundo at ikaw ay  para maglingkod sa kalooban ni Lord.

Kapag may nagsasabi saiyo ng hindi maganda , huwag mong pansinin, dahil maaaring ginagamit lang sila ng masamang pwersa para huwag mong ituloy ang banal na misuyon mo.

Kapag pinanghihinaan ka ng loob, tumawag ka kay Lord, dahil handa ang lahat ng hukbo ng langit para bigyan ka ng saya at ligaya.

Kapag may kailangan ka , sa langit ka magsabi dahil ang langit mismo ang nagbigay saiyo ng napakahirap na banal na misyon kaya ang langit din na tinatwag na The Divine Providence ay ang  sasagot sa mga needs mo.

Muli, naiiba ka kaysa sa maraming tao, at ang kaibahan ay nasabi na na taglay mo ang mga kapanyarihang hindi ipinagkaloob sa lahat ng tao. Mahalim mo si Godf, mahalin mo rin ang sarili mo at mahalin mo rin ang iyong kapangyarihan. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here