PALMISTRY 240 ni Sir Govinda Jeremaya

0
323
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Airie Obedoza.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Pahula po sa palad po.

               Airie.

Saiyo Airie,

Napakahaba ang iyong The Ring Finger, ibig sabihin masuwerteng masuwerte ka sa tunay na kahulugan  salitang masuwerte.

Bago ka magtatalon sa sobrang tuwa may ilang mahahalagang bagay na dapat kang malaman.

1)      Kapag ang tao ay masuwerte kusang dumarating sa kanya ang magagadang kapalaran na ang ibig sabihin, hindi na kailangan pa na mahirap siya para lang gumanda ang life.

2)      Dahil dito ang katamaran ay pwedeng tumalo saiyo dahil nga kahit  hindi ka na magtrabaho ay maganda pa rin ang buhay mo.

3)       Lahat  ng maganda ay para saiyo . magkaganunman kahit ang maganda na para sa isang tao ay inayawan niya at ang pinili ay ang hindi maganda , wala ring bisa ang ganung masuwerteng balita.

4)       Ang taong masuwerte tulad mo napakaraming kaibigan at halos bawat oras ay dumarami pa. Dahil dito , ikaw  ay pinag-iingat dahil sa mundo  hindi nama paramihan ng friends kundi ang mga kaibigan dapat ay  yon malapit lang sa  iyo .

5)      Kapag maganda ang buhay ng isang tao tulad mo marami ang  humihingi ng tulong kaya ihanda mo na rin ang iyong sarili dahil may mga taong masama ang ugali na kapag hindi mo natulungan ay nagagalit at igagawa ka pa ng tsismis.

6)       Kapag masuwerte ang isang tao tulad mo,  dumari ang bisyo at ang bisyo ay hindi lang ang pag-inom ng alak o pagcacasino at  pamamasyal sa kung saang-saan lugar  ,bisyo rin ang makakaliligan mo na mamili ng mamili ng mga hindi rin talagang kailangan. Ito ay iyong kontrolin kung hindi mo maiwasan.

7)      May isang  kakaiba sa mga masuwerteng tulad mo at ito ay nagsasabing ang hilingin mo sa langit ay igagawa ng paraan kahit  may kahirapan o may pagkaimposible.

8)      Dahil  dito, higit sa lahat ay payo para saiyo ay “Be Careful To What You  Wish.”

9)      Baka matulad ka sa marami na ang sabi ba naman ay ang gusto niya ay matandang mayaman. Nasabi mo na ba yan?

10)   Yon totoo ? Dahil ang  wish na ang gusto ay matandang mayaman ay  madalas na nabibigkas ng mga kababayan natin kahit minsan ay  para lang sumaya ang mga tao at siya rin ay sumaya sa pagsasabi ng ganun.

11)  Nasabi mo ba yan? Na ang gusto mo mo ay matandang mayaman?

12)   Palagay ko nasabi mo na yan misan ! Nakita sa palad mo na iyan sa buhay mo ay magkakatooo. Good Luck and God Bless.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here