PALMISTRY 239 ni Sir Govinda Jeremaya

0
170
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Maribel Bonares.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

     Gusto ko pong  pahula sa palad ! Salamat po.

                           Maribel.

Saiyo Maribel,

Kitang –kita ang  napakalaking mount of Venus mo sa palad mo.

Ang malaking mount of Venus ay para sa taong malakas ang inner power. Kapag sobrang laki tulad ng saiyo ang ibig sabihin more powerful ka kaysa sa kapwa mo.

Ang isa pang kahulugan ay nagsasabing ikaw ay maraming pera na masasabi ring sobra ang iyong pera kaya ikaw din ay yayaman kahit pa  hindi mo gustong yumaman.

Kaya ang  payo para saiyo gamitin mo ang pera mo para sa mabuting layunin. Magkaganunman,  dahil  hindi rin naman maiiwasan na ang pera mo ay magamit mo para ka lumigaya, ang pahabol na payo ay nagsasabing kailangan mo ang self control.

Dito sa mundo ang lahat ay may katapat na pera. Pero may ilan na nagsasabi na hindi lahat ay nabibili ng pera kaya lang ang ganung  katotohanan ay pansamantala lang dahil kapag ang pera ay  ginamit ng maayos o may kasamang diskarte pera din ang masusunod.

Mayroon ding nagsasabi at sila ay sobrang dami na ang Love daw ay hindi nabibili. Pero sa huli matutuklasan ng lahat na ang love na walang perang involve ay tulad ng nasabi pansamantala lang ding dahil muli mas makapanyarihan ang pera sa love na puro lang love na ang ibig sabihin, hindi pwedeng  magmahal ang tao ng wala siyang pera.

Maaring hindi mo agad-agad mauunawaan ang masabing mga Hard Truth dito sa mundo pero sa huli ikaw na mismo ang magpapatunay sa sarili mo na kahit ano sa ibabaw ng mundo ay  may katapat na  halaga.

Muli,  huwag mong kakaligtaan na dapat ay  may self control ka , kumbaga, tulad ng nababasa mo sa mga advertisement,  “Drinks Moderately.” Hindi naman ibig sabihin, uminom ka ng alak ang binibigayan din lang naman ay ang “Live Your Life Moderately.”

Kaya huwag kang lumabis pero huwag ring kulang , kumbaga, pwede kang lumigaya pero huwag sobra-sobra , yon sapat lang o  kapag need mo lang.

Yayaman ka dahil darami ang iyong pera. Kaya din kaiinggitan ka ng marami pero kahit pa napakarami ng inggit saiyo hindi sila mas dadami pa sa magiging pera mo.

Yayaman ka  dahil muli darami ang pera mo pero  ang huwag mong kakaligtaan ay ang tulungan ang mga kapos-palad dahil ang isa sa mahirap paniwalaan sa buhay ng tao sa mundo ay ang katotohang ang mga suwerte ng kapos-palad ay  hindi sinasadyang napunta sa tulad mong mapalad. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here