PALMISTRY 236 ni Sir Govinda Jeremaya

0
301
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Jaye  Palu.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Pwede po ba Palmistry pahula.Thanks  po.

                               Jaye.

Saiyo Jaye,

          Maganda ang palad mokaya  maganda rin ang kapalaran mo.

         Ang tanong po saiyo, mayroon ka bang gusto para sa buhay mo?  Huwag mong sabihin na simpleng buhay lang ang gusto mo. Huwag mo rin hilingin na kung ano lang ang ibibigay saiyo ng  langit ay okey na saiyo.

      Ang mga nasabing  salita ay hindi naman totoo dahil ang mga tao , marami gusto sa buhay nila. Ang totoo nga , habang may buhay ang tao , hindi niya maiiwasan na dagdagan at dagdagan pa ang mga gusto niya sa kanyang buhay.

        Sa iba, at sila ay marami ang bilang,  bigo sa buhay dahil masasabing ang gusto nila hindi nila makuha. Ang iba pa ,nakuha nga ang gusto pero hindi naman sumaya. May iba pa sumaya nga pero sa huli  ay sila rin ang may sabi mali pala ang kanilang ginusto.

   Sa ganitong mga katotohan ibinabalita saiyo ang isaang masuwerteng mula mismo sa kahulugan ng palad mo na nagsasabing kung ano ang gusto mo sa buhay mo, ibibigay saiyo.

    Pero bakit,samantalang tulad ng nasabi na marami ang bigo sa buhay?

    Ito ay dahil nakita sa palad mo na ang iyong mga mounts ay maambok tulad ng mga bundok at halos magkakadikit na magkakaagapay. Ang ganitong kagandang mga mounts ay para lang sa muli, “Kung ano ang gusto mo ibibigay saiyo.”

     Kumbaga, ang mga power of the mounts mo ay magsasanig at  magkakaroon ng iisang  layunin na kung ano ang gusto mo ay matutupa sa buhay mo.

   Muli, simpleng life lang ba ang hangad? Sana  hindi ganyan ang sabihin mo dahil sayang naman ang mga mounts mo na nagkakaisa para ibigay ang anumang gusto mo.

   Pero dahil sadyang  mapalad ka kaysa sa iba may isa pang dagdagan na kalulugan ang palad mo na nagsasabing anumang sandali o oras o araw o anumang panahon na baguhin mo ang gusto mo sa buhay ay ibibigay pa rin saiyo.

      Narito naman ang ilang gabay mo para sumaya ang life mo:

1)      Pagkatapos mong sabihin ang personal mong gusto sa buhay mo,  i-add mo rin na ang gusto mo ay ang matulungan ang mahal mo sa buhay.

2)       Pagkatapos mong  sabihin na gusto  tulungan ang mga mahal mo sa buhay i-add mo rin na gusto mong  tulungan ang kapwa mo.

3)      Pagkatapos mon masabi na gusto mong tulungan ang kapwa mo , sabihin mo rin na gusto mong tulungan ang mga kaaway mo ,umaaaway saiyo ,magagalit saiyo at maging ang lahat ng naiinggit saiyo.

Pero bakit? Ang sagot ay dahil sa sila ay hindi kasing  suwerte mo. Kaya higit pa sa mga nasa itaas na gabay mo sa life mo, ang huwag na huwag mong kakalitaan ay ang always kang magthank you kay God. Goof Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here