PALMISTRY 235 ni Sir Govinda Jeremaya

0
384
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Ruby Trazona.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Ask lang po , napansin ko kasi ung right palm ko now ang laki binago simula magbalat. Sana  masilip mo ,Sir. Thanks and and GOD BLESS YOU.

                 Ruby.

 

Saiyo Ruby,

Bibihirang magbago ang  mga guhit ng palad. Kumbaga,  one in a thousands , ang  tsansa na ito ay  maiba.

Magkaganunman dahil si God ang may likha sa tao, si God din ang may likha sa palad ng tao at sa mga guhit na nasa palad.

Naalala mo ba ang sinabi ni God sa The Holy Bible , ang pinakasikat sa lahat ng verses na nasa Bible , kumbaga, lahat na yata ay nakakaalam nito pero  para mabigyan diin natin ang punto de vista kung bakit may pagkakataong naiiba o nababago ang palad ng tao , muli nating balikan ang mga salita sa Bible.

“ Sapagka’t  gayun na lang ang Love ni God sa tao ,binigay niya ang kanyang bugtong na anak…..”

Hindi natin kokopletuhin pa dahil ang mahalagang mabigyan ng diin ay ang salitang “Gayun na lang” na ang tunay na  ibig sabihin ay hindi masukat at dahil hindi masukat ibig ding ipahiwatig na “walang hanggan.” Kaya ang Love ni God sa tao ay  sobrang pagmamahal  at  walang hanggan.

Dahil dito,  si God na kung tawagin ay Omnipotente or all powerful ay  pinabibigyan ang tao para  dahil nga sa  nasabing Love ni God. Na ang ibig sabihin ng pinagbibigyan ay  pwede Niyang  baguhin ang palad ng tao at bigyan din ang tao ng bagong kapalaran.

Ang bagong palad mo ay matitindi ang guhit at ang lumang palad mo ay malalamya o matatamlay ang mga guhit.

Kaya ibig sabihin, binigyan ka ni God ngayon ng pagkakataong maigiit mo ang sarili mo ng sa ganun ay  lumigaya ka na.

Kumbaga, hindi tulad sa nakaraan , ikaw ay mahina now, ikaw ay malakas kaya gawin muna now ang gusto mong gawin.

Ang isa pang  kailangang malaman mo ay pinagbibigyan lang ni God ang mga taong natagpuan Niya na sobrang nagmamahal sa Kanya kaya nga  makikitang  mahal na mahal mo si God kaya ang “sapagka’t gayun na lang ang Love ni God sa mga tao” ay  makikitang magkakaroon ng kaganapan sa buhay mo mismo.

Dahil din dito inaasahan ko na ipagpapatuloy mo ang paglilingkod mo kay God. Lagi kang mananalangin  dahil sinabi ni God , sa tao, “keeps on praying.

Alam mo , ito rin ang isa sa hiwaga ng The Works Of God na nagsasabing “Ang langit ay bumibigay sa taong mapagpilit, Ruby, yan mismo ang katotohanan sa “Keeps on Praying” Good Luck and God Bless you too!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here