PALMISTRY 234 ni Sir Govinda Jeremaya

1
347
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Maddie Lyn.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Palmistry po gusto ko.

                Maddie Lyn.

Saiyo Maddie Lyn,

Kitang –kita na ang palad mo ay pahaba. Palad ng taong hindi mahihirapan sa buhay dahil ang mga biyaya ay ipagkakaloob mismo ng langit.

Ang ganitong katotohanan ay  dahil sa ang langit ay malapit  saiyo. Ibig sabihin, may mga tao na akala nila ay malapit sila sa langit pero ang totoo pala ay ang langit mismo ang malapit sa kanila.

Ito ay nangyayari kapag ang tao ay hindi naman mabuti pero hindi rin naman siya masamang tao. Na kung tutuusin ay marami nga siyang nagagawang pagkakamali o pagkakasala kaya lang dahil malapit sa kanya ang langit ang mga ito ay balewalan lang sa mata ng langit.

Ito rin ay nangyayari sa taong ayaw naman magsikap na para bang tumatanggi sa mahirap na hanap-buhay na parang ayaw lumaban sa mga hamon ng kapalaran pero  dahil nga ang mismong lamngit ay malapit sa kanila , anuman ang kanilang kahinaan at kapintasan ay okey lang sa nasa Itaas.

Kitang –kita rin na may The Sun Line sa palad mo na nagbibigay din sa mas masarap ang life mo kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Ito rin ay nagsasabing marami ang inggit sa buhay mo dahil ang  mga tao, kayod ng kayod at hirap na hirap sa kahahanap-buhay pero  hindi makaahon sa kahirapan.

May isa pang napakagandang guhit sa palad mo at ito ay ang marriage line mo na matatagpuan sa iyong Mount Of The Moon na isang guhit na sumanib saiyong The Head Line na na ang ibig sabihin ay masuwerte ka sa iyong asawa.

Ang ganitong katotohanan ay pagmumulan din ng inggit sa buhay mo lalo na sa mga  nag-asawa na akala ay may magandang mapapala sa pag-asawa pero ang nangyari ay mas lalo pang nagsipangit ang kanilang buhay.

Ang  espesyal na marriage line mo ay nagsasabing  yayaman ka dahil sa iyong asawa.

Kung  lalaliman ang  pag-aaral sa palad mo at sa mismong buhay mo masasabing wala ka namang ibang ginawa pero ikaw pa rin ay sinuwerte . Syempre , may ginagawa ka rin naman sa buhay mo pero ang mga ito ay pangkaraniwang lang na ginagawa rin ng lahat pero  hindi mga sapat para magkaroon sila ng magandang buhay.

Samantala ang saiyo, muli ,dahil malapit saiyo mismo ang langit  hindi na pinansin mo binalewala na ang mga pagkukulang mo at ang iba kalabisan mo na hindi naman talaga nakakatulong sa ikagaganda ang kapalaran mo.

Kaya huwag mong kakaligtaan na magpasalamat sa nasa Itaas. Ito ang payo ng iyong kapalaran.  Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here