PALMISTRY 233 ni Sir Govinda Jeremaya

0
272
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Mitaka Kishiku.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Pwede po bang pakibasa palad ko. Thank you po.

                                       Mitaka Kishiku.

Saiyo Mitaka Kishiku,

Kitang-kita na ang palad mo ay malaman o  maaambot na malalambot ang mga Mounts.

Ngayon palang binabati na kita ng Congrats , dahil   ginagarantiyan ng iyong palad na ikaw ay magkakaroon ng  very successdul life.

Hindi ka mabibigo saiyong mga pangarap , ang totoo nga kahit  pa dagdagan mo ng dagdagan ang mga pangarap mo,tiyak na magkakaroon ng katuparan.

May isa pang kakaiba sa kapalaran at ito ay nagsasabing marami ang dadaya saiyo , iisahan ka at sasamantalahin ang kabaitan mo pero ang nakakapagtaka , mas yayaman ka habang nararanasan mo ang mga ganung pangyayari.

May isa pang nakakapagtaka sa buhay mo at ito ay nagsasabing ang mga suwerte ay kusang nalalapitan saiyo na para bang may magnet ka na sa kanila ay humahatak.

Nakakatuwa rin ang takbo ng kapalaran mo dahil habang lumalakad ang iyong mga panahon papaganda ng papaganda ang buhay mo.

Narito ang iyong Gabay ng Kapalaran:

1)      Alisin mo ang galit at sama ng loob dahil higit na mas masuwete kasya sa akala nila ay suwerte na sila.

2)      Panatiliin mo ang pagiging mahinaho.

3)      Huwag kang makakalimot sa Langit dahil Siya mismo ang nagbigay saiyo ng masuwerteng buhay.

4)      Ang mga nasa paligid mo , mga kaibigan at iba pang malalapit sa puso lagi mong uunawain  kahit pa minsan hanggang madalas ay nagkakamali sila saiyo.

5)       Huwag mong rin kakalimutan na pakitaan ng pagmamahal ang mga  alam mong kapos-palad.

6)      Dahil ang hiwagang bumabalot sa masuwerteng kapalaran mo ay nagsasabing kaya kapos-palad ang maraming tao ay dahil na rin sa napunta saiyo ang kanilang mga suwerte.

7)       Mag-abuloy ka rin o makibahagi sa mga gawaing  pagkabanalan.

8)      Huwag mong kakaligtaan na magdasal sa araw –araw kahit pa maganda ang buhay mo dahil ang maraming tao kapag gumaganda na ang buhay nakakalimot na sa nasa Itaas.

9)      Ang  isa sa pinakamahalagang magawa mo ay ang  mahalin mo ang  mga biyaya at pagpapala na kaloob saiyo. Huwag mong sasayangin na dadalahin mo lang sa mga walang kwentang bagay.

10)  Ingatan mo rin ang iyong kalusugan at katawan kaya lumayo ka sa mga bisyo na nakakasira ng kalusugan at katawan.

Muli,  habang lumalakad ang iyong mga panahon, gumaganda lalo ang iyong buhay. Dahil  tulad ng nasabi na ito ay ginagarantiyahan ng iyong palad. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here