PALMISTRY 232 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni John Jabeguero.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

     Good day po. Pakibasa din po ang palad ko. Malas po ba ako talaga sa lovelife at hanap-buhay?

                           John.

Saiyo John,

Naku ! Ha! Inaakala mo pala na malas ka sa lovelife!

Hindi lahat ng nabibigo sa panliligaw ay malas sa lovelife. Ang totoo nga, lahat ng tao ,girls man o boys or kahit na sino , hindi naman lahat ng kursunda nila ay nakukuha nila. At ang isapang totoo sa lovelife ng isang tao mas marami ang  kabiguan sa panliligaw kaysa sa sila’y sinagot ng “I love you too.”

May nagsasabi na hindi sila makatikim ng kabiguan , oo, pwede ring namang mangyari ito pero  kaya lang naman  hindi nadinig na “Ayaw ko saiyo!” ay dahil  habang nanliligaw sila o nagpapakita ng pagtingin nahalata na nila ,maaga pa lang,  na ayaw naman sa kanila  kaya hindi na nila tinuloy ang panliligaw ,kaya yon nagyayabang pa na hindi naman dawa sila nabigo.

Yon iba naman , gusto-gusto yon kursunda  at pinakikitaan pa sila ng maganda kaya lang ng liligawan na nila ay syota na pala , yon , sila rin ay  humihinto .

Pero malinaw na malinaw na sila rin ay bigo . Dahil ang ibig sabihin ng bigo ay hindi nakiha ang ginusto.

Ayon sa photo ng palad mo , ang mga kabiguan mo ay maliit lang na balewala lang na normal lang naman sa buhay ng isang gentleman.

Ang totoo, nakita ang iyong The Heart Line na ikaw ay magkakaroon ng successful marriage. Oh! Ikaw na ang magsabi , malas ba  ang  taong  may successful marriage life?

Sa work o hanap-buhay , oo,  bigo ka , ito mismo ang  ibig sabihin ng iyong  palad na makapal na hindi mahaba dahil “squere looking palm.”

Pero bakit nga ba bigo sa hanap-buhay ang  may squere looking palm?

Dahil  hindi sila isinilang para mamasukan ,sila ay  iaatasan ng kanilang kapalaran na magnegosyo. Dahil dito, kapag pinilit nilang mamasukan makakaranas lang sila ng mga hindi magagandang pangyayari sa kanilang pinapasukan na sa huli ay sila na ang mismong ayaw na mamasukan.

Dahil  dito, huwag ka ng mamasukan, dahil wala namang magandang mangyayari sa iyong pamamasukan, mapaaway ka lang  sa mga kasamahan at sa mga nakataaas.

Pero kung magnenegosyo ka, ginagarantiyahan ng iyong palad na ikaw ay yayaman. Mas maganda ang sununod sa atas ng kapalaran kaysa sa ipilit ng tao ang gusto niya na hindi naman bagay para sa kanya.

Dahil kung ipipilit mo na mamamasukan , wala ka ring naman maiipon kundi ang mga utang, sama ng loob, inis at sobrang pangit na mga karanasan.

Muli , sa negosyo yayaman ka , ano ang piliin mo? Magpasaya ka!

Hindi maganda sa tao ang matigas ng ulo , dahil ang taong matigas ang ulo ay  tiyak na tiyak na makakaranas ng “batok ng kapalaran.” Gusto mo ba iyon. Syiempre ,ayaw mo! Kaya ano pa ang hihintay mo, magnegosyo ka na. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. Hello po pahula po makakaalis po ba ako ulit makakabalik ba ako SA bansang inalisan ko makakatapos po ba ng pag aaral anak Kong babae March 6 1982 po ako Sana po masagot nyo salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here