PALMISTRY 231 ni Sir Govinda Jeremaya

1
260

Palmistry Reading ang request ni Sari-Sari.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

     Pahula po sa palad po!

                      Sari-Sari.

Saiyo Sari-Sari,

Kitang –kita sa palad mo na may Travel Line ka, kaya mag-abroad ka!

Kitang –kita na malinaw at mahaba ang iyong Travel Line kaya ikaw ay may magandang kapalaran sa ibang bansa at ito rin ay nagsasabing yayaman ka sa pag-aabroad.

Kitang –kita na ang iyong Travel Line ay may sanga na ang ibig sabihin  , makakapunta ka s iba pang bansa habang nasa abroad ka kaya ito ay nangangahulugan ng lubusang katuparan ng iyong mga pangarap.

Kapansin-pansin din ang  mahaba mong The Slooping Head Line” na nagsasabing taglay mo ang malikhaing kaisipan.

Napansin mo naman ba ang salitang ginamit na “malikhain? Ito ay  masuwerteng bakita para saiyo na nagsasabing ang anumang likhain ng isip ay pwedeng-pwedeng magkatotoo. Kaya nga ang pahabol na payo saiyo ay mangarap ka ng mangarap  dahil  ang anumang pangarapin mo ay magkakaroon ng katuparan.

Napansin mo naman ba ang salitang “anuman?” Ibig sabihin kung ano ang maisip mo ay muli pwedeng magkatotoo ,dahil  dito ang payo saiyo ay  huwag kang mag-iisip ng mga negatibo . Kaya huwag na huwag mong kakalimutan na totoong –totoo at saiyo ay tiyak na magkaaktoo na “ Kung ano ang nasa isip ng tao , magkakatotoo.

Nadinig muna ba na dapat ang iisipin lang ay positibo, sabi nga , ‘di ba? “think positive!” dahil kapag positibo ang laman isip positibo rin ang mararanasan. Kaya kung negatibo ang laman ng isip, negatibo rin ang resulta.Bakit?

Simple lang ang sagot! Kung ano ang itinanim , iyon ang aanihin!” Kaya muli, para mabigyang diin , itanim mo lang sa isip mo ay mga positibong bagay ng sa ganun ay aanin ka rin ng mga positibong  pangyayari.

Kinakitaan ka rin ng mga guhit ng tukso na ang ibig  marami ang magkatangkang  sirain ang buhay mo . Tandaan mo ang tusko ay nakakasira ng kapalaran pero ang tunay na pagmamaahal ay hindi nakakasira ng buhay.

Kaya lagi mong gagamitin ang isip mo na kapag alam mong masisira lang ang kapalaran ,   layuan mo ang tukso.

May nakitang  guhit sa iyong The Mount of The Moon na papasok saiyong  palad mo na ag tinutumbok ang iyong Career Line na ang ibig sabihin, mayaman ang iyong mapapangawa.

Sa ganda ng palad mo ,mas makakabuting ipanatag mo ang iyong kalooban at hintayin na lang ang mga suwerte mong nakita natin saiyong palad.

Magkaganunman  gawin mong gabay sa iyong buhay ang mga nariritong mensahe para saiyo. Hindi ka dapat na maligaw dahil simple lang naman ang iyong kailangan  at ito ay muli manngarap ka at muling mangarap ng sa ganun ay malubos ang iyong kaligayahan. Good Luck ang God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here