PALMISTRY 230 ni Sir Govinda Jeremaya

0
131
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Jamie Sunshine Librada.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Pabasa po ako palm para may guide lang po ako .  Marami na po kasi ako napagdaanan hirap ngayon po medyo parang sinuswerte kasi natanggap ako sa pangarap ko work pero training pa lang po. Sana po eto na yung matagal ko na hinihintay na stable job.

Jamie.

Saiyo  Jamie,

Narito ang request mong Gabay ng Kapalaran: Isabuhay mo ng sa ganun ay makatiyak ka na ikaw ay magkakaroon ng succcessful life.

1)      Ang iyong The Head Line ay para sa mga taong  gagamitin ang imahinasyon at sila ay

magsisiyaman. Dahil dito gamitin mo ang imahinasyon mo at ikaw ay yayaman. Kapansin-pansin din na ang iyong The Head Line ay may sanga na pataaas  na ang tawag sa espesyal na sanga na ito ng The Head Line ay  “Kalawit ng Suwerte.” Na nagsasabing ang suwerte ng iba ay mahimalang saiyo mapupunta.

2)Ang iyong The Life Line ay nagsasabing pinagkalooban ka ni God ng lakas, sigla at

kakaibang tibay ng katwan na  nagsasabi ring  ang mga sakit na dadapo saiyo ay kusang gagaling. Ito rin ay nagbibigyan din na kaya mong magsipag ng higit sa sipag ng iba na kahit lagpas sa time of work ay  pwedeng –pwede ka pa rin.

3)Ang iyongThe Heart Line ay kinakitaan ng mga  kabiguan sa love life sa unang bahagi at

dahil ang mga kabiguan ay nasa unahang bahagi ng iyong The Heart Line , ibig sabihin, sa huli ay matatagpuan mo rin ang iyong kaligayahan.

4) Sa  pinadala mong photo ng iyong palad na nilgyan mo ng sarili mong guhit makikitang

ang iyong Career Line ay isang Career Line na para sa mga taong may magandang hanap-buhay. Ito rin ay natagpuang  sumanib saiyong The Heart  Line ay sabay silang nagtravel papunta sa iyong Mount Of Jupiter na ang ibig sabihin hahawal ka ng mataaas na posisyon  saiyong trabaho at ikaw rin ay magkakaroon ng asawa na may ranggo.

Kitang –kita na ang iyong mga daliri ay mahahaba na para sa mga taong hindi mapapabilang sa mga kapos-palad, sa mga mahihirap at sa magsisikap na kahit anong sikap ay hindi naman aabante ang buhay. Dahil ang mahabang mga daliri ay para din sa mga taong may masarap na life.

5) Hindi man  gaanong malinaw , nakikita rin naman na dalawa ang iyong Marriage Line na ang ibig sabihin, muli kang mag-aasawa at ang maging asawa mo ay ang iyong Partner In Your Whole Life.

Lahat ng tao , sadyang maraming pinagdadaanan pero masuwerte ka dahil malalagpasan mo ang mga pagsubok ng iyong kapalaran.  Patulot kang mangarap dahil ang taong ayaw ng mangarap wala ng hinihintay na magandang bukas.

At ang isa sa pinamahalagang gabay mo sa buhay ay ang “ Magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.” Dahil ang taong may tiwala sa kanyang sarili ay hindi kailanman tatalunin ng mga hamon ng kanyang kapalaran. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here