PALMISTRY 230 ni Sir Govinda Jeremaya

3
439

Palmistry Reading ang request ni Efer V. Bilon

Dear Sir Gonvinda Jeremaya,

     Sa Palad po ang gusto ko.

                              Efer V. Bilon.

Saiyo Efer,

Kitang –kita ang iyong career line ,malinaw at makapal.

Dahil dito ikaw ay may magandang hanap-buhay.  Kaya ang payo , magsave ka sa future mo dahil sure din naman na dahil maganda ang  hanap-buhay mo may  pwede kang  maisave,

Ang iba,  noon pa man,  gustong –gusto ng  may savings sila kaya  kahit paano nagsave din naman sila pero dahil sa hirap ng buhay ang  naiipon nila mabilis din nilang nagagamit. Kaya sila rin ay walang anumang naiipon.

Napansin mo ba ang  guhit na nagdugtong sa iyong The Heart Line at Head Line na nasa misming gitna ng palad mo?

Ito ay guhit na nagsasabing mamali ka man ng pasya sa huli ay matatama ka. Kumbaga, lahat naman ay nagkakamali , pero ang iba sa kanilang pagkakamali sa buhay hindi na sila nakakabalik sa tamang landas kaya  tuloy-tuloy na nawawasak na ang kanilang buhay.

Ang guhit din ito ay nagsasabing  kahit awatin ka ng kahit na sino ,basta  kursunada mog gawin, itutuloy mo.  Sa ganito marami ang hahanga saiyo.  Dahil matibay at malakas ang iyong personalidad.

May isang katagian ang mga taong  successful in life at ito  ay ang “buo ang kanilang loob.” Kaya nga ang sinumang hindi naman buo ang loob, mabibigo.

Ano ba yon sinasabing “loob” ,sa “buo ang loob?”

Sa loob ng tao , naroroon ang kanyang brain or wind at naroroon din ang kanyang heart kaya ang sinasabing buo ang loob ay buo ang  isip at ubo ang puso. Solid ,ika nga , sa wikang English.

Kapag buo ang isip,  ‘di ba maganda? Kapag buo ang puso ,di ba maganda rin? Saiyo ang dalawanag ito ay buo dahil sa guhit na nabanggit na sa itaas na nag-ugnay sa iyong The Head Line at  saiyong The Heart Line.

Sa isa lang ang buo , panalo ka na ! Kaya panalong –panalo ka dahil dalawa ang buo saiyo.

Ganito ang sabi ng lahat ng lumabas n a Kristo sa ibabaw ng mundo, “Huwag na huwag kang mag-aalinlangan”  dahil  ang pag-aalinlangan ay sanhi ng kabiguan.

Saiyo  , malabong talunin ka ng pag-aalinlangan dahil nga  ang isa pa sa kahulugan ng “buo ang loob” ay ang ikaw ay matigas , as in ,tigasin ka!  Matapang at  walang kinatatakutan.

Kaya nga ang mga hamon ng kapalaran, sure na iyong tatalunin , ang malalaking pagsubok iyong malalagpasan. Kahit pa “harangan ka ng sibat”  hindi ka aatras.

Kaya ano pa ang hahanapin sa saiyo sa tanong na magagawa mo ba ang gusto mo? Wala na dahil nga sa muli, buo ang loob mo ,as in . talagang buong –buo.

Ngayon pa lang binabati na kita ng “Congrats” , dahil ang mapapabilang ka sa mga successful na nilalang. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

3 COMMENTS

  1. Magandang araw po maestro. Gusto ko po sana mgpabasa ng palad. Kaya lang hindi ko po mahanap kung papaano. Sana po matulungan nyo ako. Nais ko po sana malaman ang aking magiging kapalaran agin sa aking mga palad. Maraming salamat po

  2. Magandang araw po maestro. Nais ko po sana mgpabasa ng palad ngunit paano po ba? Sana matulungan nyo po ako. Maraming slamat po

  3. Good morning maestro gusto konpo sana malaman kung ano kapalaran ko. Nag hihintay paki palm po palad ko.!!!anong nababasa skng palad gusto q mag pa basa ng palad po!!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here