PALMISTRY 227 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Jhosephine Gonzales.

Dear Sir Gonvinda Jeremaya,

       Pahula po ako sa palad po.

                         Jhosephine Gonzales.

Saiyo Jhosephine Gonzales,

Kita-kita na ang iyong mga fingers ay makakahiwalay. Hindi lahat ay may  ganitong  ayos ng mnga daliri dahil ang karamihan ay kapag  kabuka ang  kamay ang mga daliri ay  magkadikit-dikit.

Ito ay nagsasabing  ang  maliliit  at mabibigat  at sobrang mahihirap  na pagsubok sa buhay ay iyong  kakayanin. Kumbaga, malakas ka  dahil nga sa  ang malalaking hamon ng iyong kapalaran ay iyo tatalunin.

Ang mga ito rin ay nagsasabing malaya ka. Ibig sabihin,  binigyan ka ng  probilehiyo ng langit na  magawa mo ang anumang gusto mo.

Napansin mo ba  , Jhosephine , ang salitang “anuman?” “ Di ba ang ibig sabihin ay kahit na ano ? Oo ,malaya kang gawin ang anuman gusto mo.

Pero ang  payo ay ito , ang kalayaan mo ay mas magandang  gamitin mo sa pagpapaunlad ng buhay mo. Dahil makikitang kapag ang tao ay  binigyan ng kalayaan , ang  kanyang  kalayaan ay sa ibang bagay niya itinututok at hindi sa sariling  kapakanan.

Mas marami ang  ginagamit ang  “anumang gusto” sa pagtulong sa kapwa dahil likas nasa Pinoy ay maawain. Hindi  ka inaawat na tumulong sa mga gusto mong tulungan pero ang maayos na pagtulungan ay  ang  hindi lahat ng saiyo ay itutulong mo.

Paano ‘yon?

Kung may hawak kang sampong piso , itulong mo ang apat na piso, pwede rin  limang piso ang itulong mo at pwede ring  siyam na piso , ang mahalaga  ay ang may matitira saiyo.

Ito ang sekreto ng paano uunlad ang buhay na  nagsasabing ang ilang sa kabuhayan o pera o yaman ay dapat na ilaan para sa kinabukasan.

At ang ilaan para sa kinabukasan ay hindi gagalawin anumang ang mangyari dahil ito nga ay para sa kinabukasan.

Kaya nga  kapag sinunod ng tao ang  nasabing Unang Hakbang Para sa Magandang Kinabukasan, sure na  sure na siya ay magkakaroon ng masaganang buhay.

Ito rin ay applicable sa mga taong  gustong magkaroon ng negosyo na  dapat niyang  paghandaan ang kanyang balak na negosyo sa future or sa near future na  mag-lalaan siya ng  halaga o pera para sa kanyang  gagawing  negosyo.

At ang mga maiipon niya ay  siyang magiging kanyang seed capital o panimulang puhunan. Na ang ibig sabihin ng “seed”, syempre , maliit kasi walang naman “seed” na malaki. Yon puno o  punong  halaman iyon ang malaki pero ang seed ay maliit.

Hindi naman mahirap ang ganitong  pormula ng success dahil nga sa maliit lang naman ang sinasabing  ilalaan. Na ang maliit sa totoo lang  wala namang  epekto sa pangkalahatang kabuhayan dahil nga maliit lang naman.

Pere muli, ang buto o binhi ay  nagiging isang malaking punong kahoy na kung saan  ay nakikislong ang  mga ibonn na ang pahabol na  ibig sabihin,  kapag nasunod ang mga nasa itaas ay  makikisilong saiyo ang mga tao , kamag-anak,  mga kaibigan at maging ang mga bigo sa kanilang mga pangarap. Good Luck and God Bless!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

SHARE
Previous articleI Am Filipino; Sulyap sa Nakaraan 2
Next articleBarbie Doll Inspired Makeup
Avatar
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here