PALMISTRY 226 ni Sir Govinda Jeremaya

0
343
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Mhie Ni Dhie.

Dear Sir Gonvinda Jeremaya,

      Gusto ko po ng Palmistry  , pwede po ba ?

                                       Mhie Ni Dhie.

Saiyo Mhie Ni Dhie,

Kitang-kita ang iyong magandang mga Mounts  sa iyong palad.  Angat na angat ang iyong The Mount of Jupiter, ang iyong The Mount of Saturn ay gayundin , agad na mapapansin naito ay matambok , ang iyong The Mount of The Sun at ang iyong The Mount of Mercury ay   halos nagsama na dahil sa  silang dalawa ay kapwa  umambok .

Ang mga ito,  Mhie Ni Dhie ay nagsasabing  angat na angat ka sa mga tao sa paligid mo. Kumbaga,  kakaiba ka sa kanila kaya nga pwede na rin ikapit saiyo ang mga salitang “Kakaiba ka sa lahat.”

Bakit kaya?

Dahil  tayong mga Pinoy , madalas ang salitang “lahat” ay pinatutungkol natin sa mga nasa paligid natin ,  ang mga nakakasama at ang mga kakilala at mga  nakakadaupang palad ay  sinasabi na natin na “lahat.” Syempre , may iba pang mga tao  na hindi naman  kasama sa “lahat” kaya lang nakaugalianna natin  na ang lahat  ay para sa lahat ng nakilala.

Eh, ano ba yon kaibahan mo sa lahat?

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na may mga taong sinuwerte sa kanilang propesyon at may hawak na mataas na posisyon , pero ang kanilang suwerte ay hanggang doon lang sa larangan ng  pamumuno sa kapwa.

May mga ang suwerte ay nasa kabuhayan na mula pagkabata  at hanggang sa pagtanda at  hanggang sa siya ay  nasa mundo , hindi siya nawawalan ng pagkakakitaan . Pero ang suwerte niya nasa larangan lang ng kabuhayan.

May mga masasabing suwerte , sila rin madalas na  napagkakamalang  masuwerte  sa buhay  dahil  ang mga suwerte ay nakukuha nila kahit hindi nila pinaghurapan . Pero   hanggang ganun na lang din ang suwerte niya dahil  kung sila ang  tatanungin , aaminin , nila walang kwenta ang buhay nila , as in,  “There Life Is Still A Meaninglesss!”

May iba ,kitang –kita natin , sinuwerte sa negosyo  pero kitang –kita rin natin na ang  iba pang aspeto ng kanyang buhay ay tadtad ng kamalasan.

Samantalang ikaw ,Mhie Ni Dhie ay masasabing  suwerte sa lahat  ng mga nabanggit na larangan ng buhay sa itaas.

Damang –dama mo ang  katotohanang ito , ito ay hindi naman din lingid saiyo  at ito rin ay  kitang-kita sa mundong iyong ginagalawan.

Mayroon bang hindi maganda sa iyong buhay?

Bilang pagtatapat saiyo , kitang –kita rin na ang iyong The Heart Line ay  may malaking biyak  sa gitna , kumbaga,  “You have a broken Heart  Line”  dahil  dito , a  broken lovelife ay mararanasan mo.

Be that as in may, kitang –kita rin na  pagkatapos ng point of breakness ,malinis at wala ng  anumang  abnormalities sa The Heart Line mo. Ito ay nagbibigay ng  garantiya na ang  happiness ay para din saiyo. Good Luck and God Bless!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here